My JournalsYear 2017
Taong 2013, gamit ang notebook at ballpen ay nagsimula akong magjournal. Natutunan ko ito sa aming Deaconess. May paraan siyang ibinigay sa amin kung paano namin ito sisimulan. Ang morning devotion ay binubuo ng Scripture, Lesson/Reflection, Application, Prayer (SLAP). Ang Scripture ay pagbabasa ng Salita ng Diyos at isusulat yung talata na kung saan nangusap sa iyo ang Panginoon. Ang lesson ay patungkol sa kung ano ang natutunan sa napiling talata. Ang application ay kung ano ang nais gawain na konektado sa nabasa at naisulat na talata. Ang panghuli ay ang pagsulat ng iyong sariling panalangin (Prayer). Sa gabi naman ay itinatala ang mga bagay na ipinapasalamat (Things I'm Grateful About), mga mahahalagang pangyayari sa araw na iyon (best thing happaned/worst thing happened) at laging nagtatapos sa panalangin.
Ang pagjo-journal ay nakatulong sa akin upang personal kong makilala ang Panginoon. Sa pang-araw araw na nakababasa ako ng Kanyang Salita ay naliliwanagan ako sa mga bagay-bagay. Hindi ko ito agad agad naipagpatuloy. Dumaan din ako sa punto na nahihirapan ako dahil maraming mga bagay na dapat tapusin sa school at sa bahay. Patigil-tigil din ako at mayroon ding pagkakataon na gumagawa na lamang ako dahil ito ay linggo linggo na tinitingnan ng aming Deaconess. Noong una ay hindi ko nakita ang kahalagahan nito ngunit habang tumatagal hanggang ngayon taong 2021 ay lubos kong nakita ang kagandahang dulot nito sa akin. Nagpapasalamat ako sa aming Deaconess na nagturo sa akin na mag journal. Dahil sa kaganapang ito ng aking buhay, natuto ako na mapalapit sa ating Panginoon, kausapin Siya sa pananalangin, maisulat ang personal kong saloobin araw- araw at ang makita na laging may panibagong bukas ako na haharapin-panibagong umaga at pag-asa.
-I'm Jes
Comments
Post a Comment