Mga Kawikaan 16:3,9 "3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin." "9 Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad." Isang paalala! Habang nasa Spiritual Retreat ako ng mga kababaihan ng simbahan, inalala ko kung ano-ano ang mga pinaghandaan at ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Sinabi ko sa aking sarili, "kahit pala anong paghahanda at pagplaplano na aking gawin hindi ito matutupad kung wala ang kalooban at gabay ng Diyos." Madalas sa ating buhay ay gusto natin ng "perfect at planado" pero ang totoo laging mayroong mga pagkukulang. Nakakadismaya din kapag hindi natupad yung gusto mong mangyari. Kung dumaan ka man sa ganitong sitwasyon, suriin mo ang iyong sarili dahil baka mali ang motibo mo o di kaya ay nagkulang ka na kumunsulta sa ating Diyos. Baka naman nakakalimot kana na hindi mo kaya ang lahat at tanging ang Diyos lang ang may kontrol ng lahat. Sa kasamaang pal...
Ayon sa Reader's Digest Great Encyclopaedic Dictionary (1964), ang ekspedisyon ay isang paglalakbay o paglalayag para sa isang tiyak na layunin.Ang bawat araw ay regalo ng Diyos sa ating lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos araw-araw at matuto araw-araw. According to the Reader's Digest Great Encyclopaedic Dictionary (1964), an expedition is a journey or voyage for a definite purpose. Every day is God's gift to all of us. Let us thank God every day and learn day- to - day.