Skip to main content

Sa Kanya


Mga Kawikaan 16:3,9

"3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,  at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin."


"9 Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad."

Isang paalala!

Habang nasa Spiritual Retreat ako ng mga kababaihan ng simbahan, inalala ko kung ano-ano ang mga pinaghandaan at ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Sinabi ko sa aking sarili, "kahit pala anong paghahanda at pagplaplano na aking gawin hindi ito matutupad kung wala ang kalooban  at gabay ng Diyos."Madalas sa ating buhay ay gusto natin ng "perfect at planado" pero ang totoo laging mayroong mga pagkukulang. Nakakadismaya din kapag hindi natupad yung gusto mong mangyari. Kung dumaan ka man sa ganitong sitwasyon, suriin mo ang iyong sarili dahil baka mali ang motibo mo o di kaya ay nagkulang ka na kumunsulta sa ating Diyos. Baka naman nakakalimot kana na hindi mo kaya ang lahat at tanging ang Diyos lang ang may kontrol ng lahat. Sa kasamaang palad ay ganito ang ating mentalidad, madalas na kinkokontrol natin ang sitwasyon at nakakalimot tayo na magtiwala sa pagkilos at kapangyarihan ng ating Diyos. 

Kaya naman isang paalala ang mga talatang ito sa Bibliya na lahat ng ating gagawin at bago pa man tayo magplano o kumilos ay hingiin lagi natin ang patnubay ng ating Diyos. Kumilos o gumawa ng bukal sa kalooban, sumunod sa Diyos ng may pagtitiwala at katapatan. At tiyak sa huli, hindi na natin makikita ang anumang mga pagkukulang bagkus ay magkakaroon tayo ng kapayapaan dahil tayo ay sumunod sa Diyos at nagtiwala sa Kanyang mga gagawin. Magkakaroon tayo ng tamang motibo at hindi na tayo nakatuon sa ating sarili kundi tanging sa Diyos na lamang.

Comments

  1. Amen po! Look and Be Quiet! Look at Jesus and His cross. Be quiet and reflect from His love and truth.

    ReplyDelete

Post a Comment

Other Stations

BE AUTHENTIC

Whenever I write, I always consider the language I should use. Growing up in a colonized nation (the Philippines), it is kind of hard to have the so-called “originality”. From language, culture, songs, and clothing, just to name a few, almost all of it is influenced by nations that colonized us in the past. It is confusing to know who we really are as Filipinos. But what I realized now is that I should embrace the present and always be true to what I do and speak. As long as I do not forget to speak our native language (Filipino) and keep trying to use the dialects (Ilocano and Bolinao) I grew up with, even though I am not fluent and trying hard, I believe this will smooth out in its proper time. Maybe in the long run, you will notice that my output will be written in mixed language. Speaking out on this matter helps me to be more authentic. Based on my experience, there were times when I could easily express myself in English and sometimes in Filipino. The most important thing here is...

In this Life, We've been blessed to be a blessing.

 Joy and overflowing grace are what I'm feeling right now.  I want to testify how generous and caring God is. It all began when I ask God to help me with everything I need. In particular, I ask God to help me in my studies. With Faith, I have received what I ask for in prayer. In my past experiences, I had applied for a scholarship many times and I did not get anything. At present, opportunities are gradually opening to me now. I have received educational assistance that is more than enough to support my study- God provides.  Today, our deaconess' song choice for Sunday Service is '' Blessed to be a blessing". Truthfully, we've been blessed to be a blessing. Everything that we have comes from above. All are from God. As we receive something, let thanksgiving be our first thing to do. The moment that I acknowledge God for what I have received, I have learned about giving back and sharing. As I said, God gives more than enough; it's overflowing. The joy that ...