Ika- siyamnapu't walong (98) araw na ngayon (September 11, 2024) nang ako ay itinalaga bilang isang Diyakonesa (Deaconess) sa Pangasinan West Island District, sa kumperensya ng Hundred Islands Philippines Annual Conference, Baguio Episcopal Area ng simbahang United Methodist Church sa Pilipinas sa pangunguna ng mahal na obispo na si Rev. Rodel Acdal para sa ikararangal ng ang Diyos Ama sa pagliligtas ni Hesu Cristo at patnubay ng Banal na Espiritu.
Mahalaga ang araw na ito, sapagkat aking ipinapanalangin na samahan nawa ako ng ating Diyos sa aking pagsusulat.
Sa nakalipas na mga araw, nagtanong ako sa ating Diyos kung ano ang aking gagawin at dapat isulat. Marami akong nasaksihan na mga pangyayari (kasiyasiya man o hindi), nakilalalang tao, napuntahang lugar, natanggap na pagapapala, at nakita at naramdaman ang kabutihan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Marami akong naiisip na mga bagay-bagay na hindi ko masabi sa ibang tao kundi patuloy lang na naglalaro sa aking isipan. Kaya naman, lubos kong pinapasalamat sa Diyos na mayroon ganitong paraan (pagsusulat) para aking masabi at maihayag lahat ng mga bagay na ito, na sa aking paniniwala ay ang Diyos ang nagbigay ng lahat.
Akin ng tatapusin ang pambungad na mga talatang ito sa pamamagitan ng isang motibasyon na marapat na ipahayag at ipagmalaki ang kabutihan at mga gawa ng ating Diyos. Siya nga ang tunay na mapapurihan!
Comments
Post a Comment