Makalipas ang halos tatlong buwan sa aking bagong
church appointment – Anda Central United Methodist Church (ACUMC), napakarami
na agad akong realizations sa buhay, sa sarili, sa ministry, at sa aking pananampalataya.
Sa ikatlong buwan lamang na pinahintulutan ako ng ating Diyos na magsalita kaya
iyon ang aking gagawin sa puntong ito. Sa ibaba, makikita ang mga supporting
verses kung bakit ngayon ay nagbabahagi ako sa inyo.
Lucas 5:14
14 Pinagbilinan siya ni Jesus, “Huwag mong sasabihin ito
kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa kanya. Pagkatapos,
mag-alay ka ng handog ayon sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao na
ikaw nga'y magaling na.”
Lucas 8:17
17 Walang natatago na di malalantad, at walang lihim
na di mabubunyag.
Lucas
8:39
39 “Umuwi ka na at ipamalita mo ang dakilang bagay na ginawa sa
iyo ng Diyos.”
Ito ang panahon ng pagbabahagi.
Sa unang
buwan ng aking new church appointment, ako ay nanibago. Gayun pa man ay pinanghawakan
ko ang mensahe ng aming Bishop Rev. Rodel sa kanyang facebook post na
“Today, we are not
simply starting this conference year…we are stepping into something new…we
stand at a sacred beginning —a moment where the past meets the future, where
what has been gives way to what can be.
Beloved church workers, and lay leaders, let us go forth with
courage—Love Boldly, Serve Joyfully, and Lead Courageously. Let us be a beacon
of hope—shining Christ’s light wherever we go.
Yes, embracing change is challenging. But remember this: where
God calls, He also equips.
May God bless us more.”
Mula sa baryo napunta sa bayan at mas lumawak pa
na church community. Lahat para sa akin ay bago; bago ang lugar at mga tao. Hindi
dapat ako magulat dahil ganito ang sitwasyon at patakaran na pagiging church
worker, na talagang may panahon ng paglipat at pananatili. Ngunit sa totoo
lamang kahit ito ay aking isipin, hindi ko maiwasan na maramdaman ang mga pagbabago
na nasa aking harapan. Ngunit ang sabi ng ating Diyos sa akin ay “embrace
it, love them, I love this church.”
Dumaan ako sa “adjustment period” at “getting to
know stage”. Mahalaga na dapat ay totoo
ka sa iyong sarili at walang halong pagkukunwari sa harapan ng iba. Doon ay
mas mapapadali na makabuo ng relasyon sa loob ng church community. Kahit alam
ko sa sarili ko na hindi ako social person at madalas na mabilis akong mapagod
kapag napapaligiran ng maraming tao ay sinusubukan ko pa rin na mag reach out.
Unti- unti ay dapat na makihalubilo sa lahat regardless sa edad at kasarian ng
mga miyembro.
Kasabay ng adjustment period na ito ay ang pagpapatuloy
ng ministeryo ng Diyos. Nagkaroon agad ng council meeting sa unang linggo. Sa
panahon na iyon, nakilala ang mga makakasama para sa gawain sa simbahan at
komunidad. Mahalaga ang pagtutulungan para sa gawain ng Diyos.
Sa loob ng tatlong buwan, nagpapasalamat ako sa
biyaya ng ating Diyos dahil naipagpapatuloy ang pagsamba ng sama-sama, pagtuturo
ng salita ng Diyos, ang Family devotion, pananalangin, paglilingkod sa iba’t
ibang okasyon, at ang pag-awit at pag-tugtog para sa Diyos. Naniniwala ako na
kumikilos ang Diyos sa buhay ng bawat isa saan man sila naroon: sa bahay, sa eskwelahan,
o sa trabaho man.
Ang takbuhin bilang mananampalataya ay pang-araw
araw na hamon. Sabi sa Lucas 9:23,
“23 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang
nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin
araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.”
Kaya ang panalangin ko para sa amin lahat ay ang bigyan
nawa kami ng ating Diyos ng buong tiyaga
na maipagpatuloy ang buhay kasama si Jesus. Nawa’y gabayan at tulungan mo po kami
aming Diyos Ama.
Nakaranas din ng unos ang kumunidad ng Anda dahil
sa epekto ng Bagyong Emong noon buwan ng Julyo. Maraming ang nasirang mga bahay,
natumbang puno at mga iba’t ibang mga ari-arian. Nawalan ng power ng kuryente
sa buong Anda. Naging tahanan para sa lahat ang simbahan. Nakapagbahagi ng
kuryente sa iba sa pamamagitan ng generator. Ang mga ministry team ng simbahan
ay nagbahagi ng relief goods sa mga nasalantang mga kapatid sa pananampalataya.
Sa totoo lamang noong hindi ako nakasama sa pag hahanda at pag distribute ng
relief goods, ako ay nalungkot, nahiya, at nakonsensya. Ngunit alam ng ating
Diyos ang aking dahilan at kailangan kong umuwi sa amin sa bayan ng Bolinao na
naapektuhan din ng bagyo. Gayun pa man, kasama natin ang Diyos saan man tayo
naroon at gagamitin Niya tayo na abutin ang iba at maging pagpapala kahit na
hindi pareho pareho ang ating mga pinuntahan at pupuntahan.
Ang panghuli na aking natutunan sa ating Diyos ay
ang kapangyarihan ng pagkikiramay (empathy). Halos isang taon na ang
makalipas nang ang ACUMC ay dumaan sa pagusbok, nasubok ang pananampalataya at
nagkaroon ng hiwalayan. Wala pa ako dito sa ACUMC noon noong naganap ang lahat dahil
mayroong akong ibang church appointment. Noong ika-17 Augusto, 2025, ay nagkaroon
ng isang araw ng pagpapasalamat sa kabutihan at katapatan ng Diyos sa simbahang
ito. Nagkaroon ng mga pagpapatotoo, nagbaliktanaw kung paano binangon at
hinuhubog ng ating Diyos ang Kanyang mga anak sa ACUMC. Tumawag ang Panginoon
ng mga bagong lider para paipagpatuloy ang kalooban ng Diyos sa simbahang ito. Sila’y
tumugon, sumunod, at nagpagamit sa Diyos kahit pa mayroon silang pagdududa sa
kanilang mga sarili. Ngunit angkop ang nabanggit sa Kasulatan:
Juan 15:16
“16 Hindi
kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo'y
humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin
ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.
1 Corinto 1:27-29
27 Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa
sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang
mahihina upang hiyain ang malalakas. 28 Pinili niya ang mga pangkaraniwang
tao, mga hinahamak, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay
ang mga kinikilala ng sanlibutan. 29 Kaya't walang sinumang
makakapagmalaki sa harap ng Diyos.
Aking kinikilala ang aking mga kapatid sa
pananampalataya na tumayong mga bagong lider sa ACUMC magmula noong naganap ang
hiwalayan hanggang sa oras na ito, salamat sa inyong pagsunod sa kaloob ng
ating Diyos. Pangako Niya na lagi nating Siyang kasama.
Nakapaloob sa programa ang paghahandog ng awitin ng
ACUMC Chancel Choir. Ang una ay ang “Forward by Faith” at ang pangalawa naman
ay ang “Stay Strong.” Sa pang huling awitin na “Stay Strong”, ako ay nakadama
ng “Empathy” sa aking mga kapatid na lubos na naapektuhan sa naganap na hiwalayan.
Nakita ko na bumubuhos ang luha sa mga mata ng aming conductor ganoon din sa
aking mga katabi habang kumakanta. Nasusulat sa,
Roma 12:15., “15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis.”
https://youtu.be/vVMNDBcnJmw?si=OX7Sx7iF--goaBmE
Dahil ang Diyos ay mabuti at tapat, karapatdapat
ang lahat ng papuri sa Kanya. Maraming salamat Panginoon Diyos hindi Mo po kami
iniwan at pinabayaan , sa pagbibigay ng liwanag at katatagan sa aming lahat
tulungan Mo po kami na magpatuloy at maging matatag sa pananampalataya namin sa
Iyo. Amen.
Comments
Post a Comment