Skip to main content

Biyaheng Dumagat








May 29, 2024, Miyerkules, sa oras na 12:00pm hanggang 6:00pm, mula Harris Memorial College Taytay Rizal papunta sa Sito Nayon, Brgy. Sta. Ines, Tanay Rizal at pabalik muli sa Taytay, Rizal.


    Naganap ang lahat ng ito pangalawang araw matapos ng aming college graduation. Halos, lahat ng aking mga batchmates ay pauwi na sa kanilang bayan. Ngunit ako, minabuti kong manatili muna ng ilaw araw at sulitin ang pagkakataon para mapuntahan ang mga lugar sa paligid ng Taytay, Rizal. Isa sa aking gustong puntahan ang lugar kung saan makikita ang mga Dumagat Tribe. Nalaman ko ang patungkol sa kanila una, ay dahil sa aming eskweluhan. Nabanggit ito sa amin noon at nasabing mayroon ministry ang school patungkol sa kanila. Ayon sa impormasyon na aking nakalap, nag-aral sa Harris Memorial College ang kauna-unahang professional sa kanilang tribo. Siya ay si teacher Diday. Pangalawa, nalaman ko ito dahil mayroong student deaconess mula sa kanilang tribo na ngayon ay graduating student na din. Mas bata siya sa aking ng isang taon, at lagi kong sinsabi sa kaniya na gusto kong dumalaw sa kanila. At pangatlo, ay dahil ay intersesado ako sa usaping kultura at mga indigenous people. Para kasi sa akin, isa sila sa nagpapatunay ng lahing Filipino at sila ay kayamanan ng ating bansa at pamana ng ating mga ninuno. 

    Bumiyahe kami (ako, isang student deaconess na Dumagat Tribe, at dalawa pang mga student deaconesses) mula sa HMC Taytay, Rizal, nag jeep papuntang Antipolo simbahan, at nag E-tricycle papunta sa sakayan ng jeep papapuntang Tanay, Rizal. 

    Habang kami ay sakay ng jeep papunta sa Tanay, Rizal, naalala ko ang daan papuntang Baguio. Ang daanan ay paakyat sa bundok at nararamdaman din ang malamig na simoy ng hangin. Kami ay bumaba sa kanto papuntang Sitio Nayon. Pagkababa namin sa kanto, naghihihtay ang pamilya ng aming kasama na mula sa Dumagat Tribe. Sila ay galing nagbenta ng bunga ng kanilang pananim. Binigyan nila kami ng tag-isang nilagang saging habang naghihitay kami ng aming masasakyan. Dumating ang isang garong/kalang na aming sasakyan. Ito ay tricycle na ang sidecar ay walang bubong. Tatlo kaming nakasakay sa loob ng sidecar at dalawa sa may motor kasama na ang drayber. Kadalasan mayroong ding mga pupunta sa kanilang lugar gamit ang jeep. Papunta na kami sa Sitio Nayon pero bago kami makapunta roon ay kinakailangan namin dumaan sa mahigit labing tatlong (13) ilog. 

    Isang mahabang paglalakbay na halos abutin ng dalawang oras mula sa kanto na aming binabaan. Iba't iba ang katangian ng ilog na aming dinaan.Mayroon maikli, mahaba, maagos at mahinahon ang tubig. Minsan ay kailangan pa namin bumaba sa sasakayan para makatawid. Malalaki, bilugan, at makikinis naman ang mga bato na aking nakita habang kami ay dumadaan sa ilog. Napabilib ako sa tibay ng aming sinakyan. Mayroon pang pagkakataon na halos mapatalon na parang kabayo ang sasakyan na garong dahil mayroong ilog na matarik bago makarating sa pangpang. Pagkatapos matawid ang bawat ilog ay mayroon patag na lupa na nagisisilbing daan. Kumbaga ang pattern ay patag na lupa, ilog, tapos patag na lupa at ilog at nagpapatuloy pa. Malapit na kami sa bahay ng aming kasamahan. Habang kami ay nasa biyahe nakikita na namin ang kanilang mga katribo, ang mga Dumagat Tribe. Ang mga batang Dumagat Tribe ay nakasuot ng kanilang damit pang eskwelahan. Sila ay naglalakad papunta sa kanilang paaralan dahil araw ito ng pagkilala or Recognition Day. Kami ay huminto sa barangay Sta. Ines at nakita ang napakaraming mag-aaral na Dumagat Tribe. Nakilala din namin ang tatay ng aming kasamahan na isa palang opisyal sa barangay. Napuntahan din namin ang simbahan na naitatag sa pamamagitan ng miyembro ng Korea Methodist Church Central Annual Conference South Siheung, Dalwol Methodist Chuch. Ito ay ay ang simbahang Mount Moriah Mission UMC.

    Nakarating na kami sa bahay ng aming kasama sa Sitio Nayon. Tanaw namin ang maraming puno at matataas na bundok. Napagkasunduan ng grupo ng bigyan ng simpleng pabaon ang mga pamilya ng aming kasamahan. Nagbigay kami ng isang buong egg pie.  Ito ay kanilang pinagsalo-saluhan. Kahit ito ay kaunti lamang nakita ko ang masayang reaksyon sa kanilang mukha at ang kagustuhan nila na ibahagi ito sa iba pang kasamahan. Inalok nila kami ng kamoteng kahoy na kanilang tanim. Pinaghanda din at nilutuan kami ng pamilya ng aming kasama ng kanin at Fresca Tuna na delata at Cornbeef na may itlog. Kami ay kumain sa bilao na may dahon ng saging gamit din ang aming mga kamay. Sobrang sarap at dahil medyo gutom din kami ay naparami ang aming nakain. Inabutan din kami ng ulan. Sandali lamang ang ulan. Pagkatpos ay nilibot namin ang lugar. Napuntahan namin ang silid-aralan kung saaan nag-aaral ang mga maliliit na bata. Habang kami ay naglalakad ay nakakasabay din namin ang ibang Dumagat tribe na may dalang sako sa kanilang likuran na puno ng sibuyas, luya, at kamoteng kahoy.Sa kabilang banda naman ay mayroong naglilinis ng luya gaimt ang tubig at mayroon din naglalaba sa may ilog.

    Sabi ng aming kasamang mula sa Dumagat Tribe, ang ilog ang nagbibigay sa kanila ng tubig na gamit nila sa pang araw-araw. Wala rin supply ng kuryente, tanging solar power supply lamang ang mayroon sila. Napansin namin na limitado lang din ang kanilang kagamitan. Nagsisiga sila ng kahoy  para makapagluto. Mayroon din naman mga maliit na tindahan na pwedeng bilhan at mayroon din WiFi na may bayad ang pagkonekta. Pagtatanim ang ikinabubuhay nila. At ang mga bunga ng kanilang tanim ay ibinebenta nila sa labas o maaring doon pa sa kanto mahigit dalawang oras palabas sa kanila. Nagbebenta rin sila sa HMC sa Taytay Rizal ng bunga ng kanilang pananim. 

    Kaunting panahon lamang ang mayroon kami, pero sabi nila ay "masaya daw sila na may dumalaw sa kanila mula sa labas." At ganoon din naman kami sa kanila. Muli nila kaming inimbitahan na bumalik at sa susunod gusto naman nila kami na sumama kung saan sila nagtatanim. Naiwan na ang aming dalawang kasama (dalawang student deaconess at ang isa sa kanila ay kabilang sa Dumagat tribe), habang kami namang dalawa ay pabalik na sa Taytay, Rizal. Inihatid kami ng ate ng aming kasamahan kasama ang kanyang asawa sa may labas at nag-abang na ng jeep pabalik. At ako naman ay magpapaalam na rin sa eskwelahang (Harris Memorial College) umakay sa akin ng apat na taon. Papunta naman na ako sa Maynila para bisitahin ang aking mga kamag-anak bago ako tuluyang umuwi sa aming bayan. 





Comments

Other Stations

Gaano ka katagal naghintay ?

                                                                                    2-4-21 (Pila para sa National I.D.) Pamilyar tayo sa kasabihan na "kapag may tiyaga, may nilaga" . Nasubukan mo na bang maghintay? Gaano katagal? Ako, base sa aking karanasan maraming paghihintay ang naranasan ko. Paghihintay tuwing may meeting, kapag may pupuntahan, at marami pang iba. Pero ang matinding paghihihtay na naransan ko ay ang maghintay sa pila- sa lahat ng pwedeng pilahan. Naalala ko tuloy noong nag-apply ako ng scholarship sa CHED (Commission on Higher Education) sa may Quezon City. Sobrang dami kong kasabayan na mga estudyante, simula ground floor paitaas ang pila  hangang 3rd floor sa pagkakaalala ko.  Gayun pa man, ang pagtiyatiyaga...

Mark 1:14-20: The Beginning of the Galilean Ministry

  Morning Devotion January 20, 2024 Biblical Reference Mark 1:14-20   ·          In what season of life are you right now? What have you been doing? ·          If someone intervenes to you while you are doing something or you are in such a season of your life, would lend your ear and pay attention?   Read Mark 1:14-20 In the passage that we read, there is a place called Galilee where Jesus went and proclaimed the good news of God, for the time was fulfilled and there is a need to repent and believe in the good news for the Kingdom of God is near. What do you think are the Galileans doing when Jesus was proclaiming? The Galileans are doing their daily routine and their lifestyles and livelihoods. For example, fishing. In verse 16 says, “Jesus passed along the Sea of Galilee, he saw Simon and his brother casting a net into the sea- for they were fishermen.” What is the releva...

"Oo" o "Hindi"

Mateo 5:37 Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.” Ang bawat salita na ating binibitawan ay mahalaga. Dahil Ang mga salitang ito ay maaring makapagbigay ng kaliwanagan o magbigay Ng kalituhan. Dapat na maging malinaw at maingat Tayo sa ating sinasabi upang maiwasan ang Hindi pagkakaintindihan. Pinapaalala din sa atin Ng Bibiliya na huwag mangyari na pagpupuri at panlalait Ang manggaling sa bibig (James 3:10). Nais Ng Diyos na dumaloy sa atin Ang ISANG malinaw na Tubig: Ang mga salitang pawang pagpupuri, nakapagpapalakas Ng loob, puno ng pag-asa, kapakumbabaan at karunungan na nagmumula sa Diyos. Panginoon, tulungan Mo Po kami na pakaingatan Ang aming mga salita na mangagagaling sa aming bibig. Sa pangalan ni Jesus Amen.