Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2022

Mahal Kita, O Yahweh

Awit 27:4 Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,     iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay,     upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan,     at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. Ang relasyon sa Diyos ang pinakamataas at mahalagang relasyon. Lahat ay pwedeng magkaroon nito kung nanaisin at tanggapin si Jesus sa kanilang buhay. Ang makasama Ang Diyos sa Buhay natin ay Buhay na punong puno Ng pag-asa, Pag-ibig, at kasiguraduhan.  Katulad Ng sinasabi sa Awit 27:4, nawa'y hangarin natin ang Dakilang Diyos, lagi Siyang Hanapin, at manatili sa Kanyang Pag-ibig.

Maging Kaibigan ng Diyos

Santiago 4:4  "Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos." Ano ba ang taglay Ng sanlibutan? 1 Juan 2:16-17 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. Ano naman Ang Buhay na Kasama Ang Diyos? Colosas 3:12-17 12 Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmam...