Skip to main content

Kumusta ka Pilipinas?



Kumusta ka Pilipinas?

Ano ang kalagayan mo ngayon?

Nasaan ka ngayon?

Saan ka ba paroroon?

 

Sumilip sa may batis

Napatingin at napa-isip

Sino ang aking nakita?

“Ikaw bayan sarili?”

 

Sarili, ano ang iyong wika?

Sarili, naghahangad ka pa ba ng iba?

Sarili, iyong bigkasin ang “po” at “opo”

Sandali, bakit tila ngayon mulang ito narinig?

 

Pilipinas, iyan ang pangalan mo

Filipino ang pagkakilala sa iyo

Filipino rin ang sinasalita mo

Pilipinas, naririninig mo ba ako?

 

Pilipinas, ako ay mayroong munting paalala

 Na mahalin mo sana ang sarili

Ikaw sana ay hindi magapi

Kahit sarili ang kaapi

 

 

                               

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Comments