Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2025

First Church Appointment (Imbo UMC Deaconess July 2024-MAy 2025)

                Labing-isang buwan ang ibinigay ng ating Diyos sa akin para maipagpatuloy ang Kanyang gawain sa Barangay Imbo, Anda Pangasinan. Kasama ng aking mga magulang, ako ay nakarating sa lugar na ito. Ang lugar na ito ay isang maliit na barangay na binubuo lamang ng tatlong purok. Ito ay malapit sa tabing dagat kaya ang pangunahing hanap buhay dito ay pangingisda. Sagana sa laman dagat, kaya madalas itong naihahain sa hapag kainan. May mga bukid din dito, kaya nakakakuha ang mga tao sa kanilang mga sariling taniman. Marami ka rin makikitang mga kambing at baka. Nasa 15- 20 minuto ang layo nito mula sa mismong bayan, kaya minsan sa isang linggo namamalengke ang mga tao.   Mayroon din namang mga maliliit na tindahan (Sari-sari Store) na pwedeng pagbilhan ngunit tumataas din ang presyo ng bilihin. Sariling sasakyan at bus ang pangunahing sasakyan dito. Maraming mga balon sa Imbo dahil ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng mga t...