Skip to main content

MAGLIWANAG

 



THEME: SHINE ON: CALLED TO BE THE LIGHT

September 26, 2025

 

SCRIPTURE: Mateo 5:14-16

Magandang Balita Biblia

14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15 Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

 

INTRO: Kung mayroong gabi at araw, mayroon ding dilim at ____ liwanag.   

Ang teksto natin sa oras na ito ay patungkol sa liwanag. Saan o kanina ba nagmumula ang liwanag, Sino ang liwanag, ano ang kahalagahan ng liwanag at bakit dapat na magliwanag?

 

I. Ako ang ilaw ng sanlibutan

The Sun is the primary source of light in the planet as the SON (Jesus) is the primary source of light of humanity.

 

John 8:12 12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”

 

 Jesus is the light and the main source of our light as Christian.

 

Isipin natin na kung walang posporo hindi iilaw ang kandila, hindi iilaw ang lampara kung walang langis, kung walang kuryente hindi iilaw ang mga bombilya at madilim ang mundo kung wala ang liwanag mula sa araw, buwan at mga bituin.

 

Gayon din naman walang liwang ang buhay ng isang tao kung wala si Jesus sa kanyang buhay.

 

II. Kayo ang ilaw ng sanlibutan.

Nangaral si Jesus sa bundok sa harap ng kanyang mga alagad at maraming mga tao. At sinabi na…

 

Matthew 5:14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.

 

 Ang sinumang sumusunod kay Kristo ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay. At ang ilaw na ito ay karapatdapat at may layunin na magliwanag.

 

Ang ilaw sa literal na kahulugan nito ay may kahalagahan sa buhay ng tao.

 

Halimbawa: A ilaw ang nagbibigay liwanag sa oras ng kadiliman, ang liwanag mula sa Araw ay nagbibigay ng Vitamin D at tumutulong na magkaroon tayo ng enerhiya at maayos na mentalidad.

 

Sa madaling sabi, ang ilaw ay nagdudulot ng mabubuting bagay sa tao at sa mundo.

 

Gayun din naman sa buhay bilang isang Kristyano. Dahil tayo na ay na kay Kristo lahat ng mabubuting gawa ay inaasahan sa buhay natin. Isipin natin kung sino si Jesus at kung paano siya namuhay. Napansin ng mga tao ang lahat ng kanyang mga gawa at pamumuhay at dahil doon naitaas ang Pangalan ng Dios Ama sa langit.  

 

Matthew 5:16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

 

 

Isang paalala na kung bakit tayo dapat magliwanag ay ang maitas ang iisang Pangalan, hindi ang pangalan mo, ako, o ang pangalan ng church kundi Tanging ang Dios Ama na nasa langit.

 

(John 3:30 He Must Increase, but I Must Decrease).

 

III. Lumakad sa Liwanag

 

Efeso 5:8-11

Dati, kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag. Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng namumuhay sa liwanag.[a] 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon. 

 

Ang lumalakad sa liwanag ay namumuhay katulad ni Cristo; gumagawa ng mabuti, kung ano ang matuwid, totoo, at sinisikap gawin kung ano ang kalugod lugod sa Panginoon at ang hindi makibahagi sa gawain ng masama.

 

 

Bakit kailangan natin magliwanag? O Mag- Shine on and be the light of this world?

 

Kailangan natin paliwanagin ang ilaw na mayroon sa atin dahil ang panahon natin sa kasulukuyan ay puno ng kasamaan.

 

Efeso 5:16

16 Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon.

 

Conclusion:

Ang mag-shine on at be the light of the world ay nangangahulugang:

-Namumuhay kasama Si Kristo na pinagmulan ng ating liwanag.

- Nagliliwanag sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.

-Nagliliwanag upang makilala at maitaas ang tanging pangalan Dios Amang nasa Langit.

 

Kaya ang bilin sa atin ni .”― John Wesley

“Do all the good you can, By all the means you can,

In all the ways you can, In all the places you can, At all the times you can,

To all the people you can, As long as ever you can.”

 

Sa gayon, tayo ay mag-shine and be the light. Let’s Shine and Let Jesus Shine.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments

Other Stations

HIV Awareness (1) Empowering Lives: Bridging Hope Through Compassionate Care (Engaging in HIV and AIDS Prevention, Care, and Treatment

  The Field Practicum Class joined the seminar about HIV and AIDS Awareness held on March 14-15, 2024 at Wesleyan University-Philippines in Cabanatuan City, Nueva Ecija. We traveled almost five hours going there from Taytay, Rizal. The seminar was facilitated by the health workers, faculty, and staff of WUP, the Association of Positive Women Advocates, Inc. (A.P.W.A.I.), and the Board of Women’s Work of the United Methodist Church. Also, it was attended by the students of Wesleyan University, UMC Episcopal representatives, and other invited students like us (Harris Memorial College Students). The seminar started by opening worship followed by various sessions on HIV and AIDS awareness. The theme of the seminar was “Empowering Lives: Bridging Hope Through Compassionate Care (Engaging in HIV and AIDS Prevention, Care, and Treatment). The seminar enlightened me and made an impact on how I should look at the issue of HIV and AIDS in the Philippines and in the world. I...

Maging Handang Lingkod ng Diyos

  ARISE FELLOWSHIP at Tondol United Methodist Church Theme: EQUIP Scripture: 2 Timoteo 3:16-17; Efeso 2:10 Date Written: April 8, 2025 2 Timoteo 3:16-17 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap(proficient) at handa (equip) sa lahat ng mabubuting gawain.   Efeso 2:10 10  Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.     PANIMULA:             Ang tema ng gawain ngayon ay Equip, kaya naman agad kong kinuha ang kahulugan nito. Ang salitang “Equip” kung isasalin sa wikang Griyego (Greek) “exartizo” na ibig sabihin ay “to complete, to finish, to equip” at sa ta...

SERMON| Together in Faith, United in Love

  SERMON|NaCaToBo Cluster| LOVE FELLOWSHIP February 2, 2025                 Venue: Caniogan United Methodist Church, Anda, Pangasinan Prepared by: Dss. Jesemae Gale Theme: “Together in Faith, United in Love” Scripture : Colosas 3:14 Magandang Balita Biblia 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.                                          Pump Question: 2  Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan....