NAPAGTAGUMPAYAN
NA!
“Sinasabi ko ito
sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkakaroon kayo ng
kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo
ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” -Juan 16:33-
Ang
talatang ito sa Bibliya ay nagpapatunay na alam ng Diyos ang lahat ng bagay.
Pinapaalam sa atin na dito sa mundo, likas na makakaranas tayo ng paghihirap.
Mayroon akong nakilala na isang ina na may apat na anak at ulila na rin sa
asawa. Hindi biro ang tumayong nag-iisang magulang dahil lahat ng
responsibilidad ay kailangang panindigan. Sa kabila ng kanyang napakaraming
responsibilidad, hindi siya nakakalimot na maglaan ng oras sa Diyos at sa mga
gawain ng simbahan. Siya ay umaasa at kumukuha ng lakas sa ating Diyos para
harapin ang bawat araw.
Pinalalakas
ni Jesus ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Tunay na napagtagumpayan na ni
Jesus ang sanlibutan. At tayo bilang pansamantalang naninirahan sa mundong ito,
mayroon tayong pinaghahawakang pangako ni Jesus. Siya ay magbibigay ng
kapayapaan sa magulong mundong ito at nagbibigay ng pag-asa upang tayo ay
tumatag na harapin ang bawat araw kasama siya.
Comments
Post a Comment