MATUTO!
“Kung paanong
pinatatalas ng bakal ang kapwa bakal, ang tao nama’y matututo sa kanyang kapwa
tao.” -Kawikaan 27:17-
Nakabilang
ako sa isang gawain na tinatawag na Educator’s Convocation. Ako ang pinakabata
sa lahat at kakaunti ang aking kasanayan kumpara sa kanila. Silang lahat ay
nasa edad na tatlumpung taon pataas at punong- punong ng kahusayan at karanasan
(Mga Reverend, Master’s degree holder at Doctorate degree holder).
Nakita ko ang aking sariling na munting bata ngunit hindi nila ito pinaramdam
sa akin.
Isang bagay ang tinuro sa akin ng Panginoon sa
oras na iyon, ito ay ang kahalagaan ng pakikinig. Ang mga taong ito na aking
nakasalamuha, ay mga lider ng bawat institusyon at simbahan na aking
kinabibilangan. Sa aking pakikinig, ako ay natuto. Nalaman at naunawaan ko ang sitwasyon, patakaraan,
at pamamahala sa paghubog sa mga spiritual leaders sa Pilipinas. Ang mga tao na
ipinapakilala ng Diyos sa atin ay kaparaanan Niya upang tayo ay gabayan sa
gawain na kanyang inihanda sa atin. Matuto tayo sa ating kapwa at palaging
hingiin ang patnubay ng Diyos.
Comments
Post a Comment