Skip to main content

PKA 04 HINDI KUKULANGIN!

 

HINDI KUKULANGIN!

“Matakot kayo sa Panginoon, kayo na kanyang mamamayan. Dahil ang may takot sa kanya ay hindi kukulangin sa lahat ng pangangailangan.”

-Mga Awit 34:9-

 

 

 

                Ang pagkain ay isang pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay. Base sa aking obserbasyon, ang makakain kahit isang beses lamang sa isang araw ay isang pagpapala. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang estado ng buhay. At karamihan sa kapwa kong Pilipino ay kumukayod para may pambili ng pagkain. Si Apostol Pablo sa kanyang sulat sa Filipos kabanata apat, ay nagpahayag ng pasasalamat sa natanggap niyang tulong. Isang mananampalataya si Apostol Pablo at siya ay naging kontento sa kabila ng kanyang karanasan at kinilala niya na natugunan lahat ang kanyang pangangailangan at nakayanan niya ang lahat dahil sa tulong ni Cristo. Sa Awit 34 naman, naihayag na tumutulong ang Diyos sa lahat ng nagtitiwala sa Kanya.

                Sa aking pagtatapos ng personal devotion, napaisip ako kung gaano kabuti ang Diyos sa akin. Ipinaranas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa akin, sa pamamagitan ng pagpapakain. Bilang isang manggagawa ng simbahan, mayroon akong natatanggap na mga imbitasyon sa mga handaan, simpleng kainan sa bahay ng mga miyembro ng simbahan at mayroong ding pagkakataon na may inaabot mismo sa akin na pagkain. Sa pamamagitan nito, nakita at naranasan ko ang pagtugon ng Diyos sa aking pangangailangan. Hindi niya ako hinayaang magutom. Tunay na ang may takot sa Diyos ay hindi kukulangin sa lahat ng pangangailangan.

Comments

Other Stations

HIV Awareness (1) Empowering Lives: Bridging Hope Through Compassionate Care (Engaging in HIV and AIDS Prevention, Care, and Treatment

  The Field Practicum Class joined the seminar about HIV and AIDS Awareness held on March 14-15, 2024 at Wesleyan University-Philippines in Cabanatuan City, Nueva Ecija. We traveled almost five hours going there from Taytay, Rizal. The seminar was facilitated by the health workers, faculty, and staff of WUP, the Association of Positive Women Advocates, Inc. (A.P.W.A.I.), and the Board of Women’s Work of the United Methodist Church. Also, it was attended by the students of Wesleyan University, UMC Episcopal representatives, and other invited students like us (Harris Memorial College Students). The seminar started by opening worship followed by various sessions on HIV and AIDS awareness. The theme of the seminar was “Empowering Lives: Bridging Hope Through Compassionate Care (Engaging in HIV and AIDS Prevention, Care, and Treatment). The seminar enlightened me and made an impact on how I should look at the issue of HIV and AIDS in the Philippines and in the world. I...

Maging Handang Lingkod ng Diyos

  ARISE FELLOWSHIP at Tondol United Methodist Church Theme: EQUIP Scripture: 2 Timoteo 3:16-17; Efeso 2:10 Date Written: April 8, 2025 2 Timoteo 3:16-17 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap(proficient) at handa (equip) sa lahat ng mabubuting gawain.   Efeso 2:10 10  Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.     PANIMULA:             Ang tema ng gawain ngayon ay Equip, kaya naman agad kong kinuha ang kahulugan nito. Ang salitang “Equip” kung isasalin sa wikang Griyego (Greek) “exartizo” na ibig sabihin ay “to complete, to finish, to equip” at sa ta...

SERMON| Together in Faith, United in Love

  SERMON|NaCaToBo Cluster| LOVE FELLOWSHIP February 2, 2025                 Venue: Caniogan United Methodist Church, Anda, Pangasinan Prepared by: Dss. Jesemae Gale Theme: “Together in Faith, United in Love” Scripture : Colosas 3:14 Magandang Balita Biblia 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.                                          Pump Question: 2  Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan....