Lubos Siyang
Nasiyahan.
“Pinagmasdan ng
Diyos ang lahat niyang ginawa at lubos siyang nasiyahan.”
-Genesis 1:31a-
Matapos nilikha ng Diyos ang
mundo siya ay nasiyahan. Sa loob ng anim na araw, kumilos ang Diyos at siya ay
sigurado sa kanyang mga gawa. Dahil sa siya ay nasiyahan, ibigsabihin naroon
ang pagiging kontento niya. Ipinakita ng Diyos ang isang halimbawa sa paggawa.
At siya ay dapat nating tularan sa tuwing mayroong gawain na nakaatas sa atin.
Nasisiyahan ka ba sa iyong mga
ginagawa o sa trabaho na mayroon ka ngayon? Bagama’t hindii natin maaabot ang
kahusayan ng ating Diyos, siya ang naguudyok sa atin na gawin ang isang bagay
ayon sa ating kakayanan. Tayo ay dapat din na masiyahan sa resulta ng ating
gawa lalo kung para sa ating Diyos ang dahilan ng iyong paggawa. Pagmasdan at
alalahanin mo ang iyong mga nagawa para sa Diyos at ikaw ay dapat masiyahan
sapagkat nakita Niya lahat ng mga iyon.
Comments
Post a Comment