Hindi Para
Kalugdan
“4 Sa halip,
nangangaral kami bilang mga karapat-dapat na katiwala ng Dios ng kanyang
Magandang balita.Ginagawa naming ito hindi para kalugdan kami ng mga tao kundi
ng Dios na siyang sumisiyasat sa mga puso naming. 5 Alam niyo rin na hindi
naming kayo dinaan sa matatamis na pananalita sa pangangaral namin at hindi rin
kami nangaral para samantalahin kayo. Ang Dios mismo ang saksi naming.6 Hindi
namin hinangad ang papuri ninyo o sinuman.”
-1 Tesalonica
2:4-6-
Noong labing anim (16) na gulang
ako habang nasa araw ng pananambahan, naitanong ko sa aking sarili, “bakit
kaya kaunti ang pumipili na maging church worker?” Ako ay nagtataka dahil
isang mabuting gawain naman ang maglingkod sa Diyos. Nasa panahon ako noon ng
pag de-desisyon kung ano ang kukunin kong programa sa kolehiyo. Maging isang
Doctor, maging isang Pharmacist, o maging isang Nurse o alinmang propesyon sa
larangan ng medisina ang noon ay nais kung maging pag laki ko. Ngunit biglang
nagbago ang pananaw ko sa buhay ng sa aking kabataan ay na-involve ako sa
gawaing simbahan. Nakita ko ang kahalagahan ng isang lingkod ng Diyos o ang
pumasok sa ministeryo ng Diyos. Hindi ko masasabing wala nang saysay ang ibang
propesyon dahil lahat naman ay may kabuluhan ngunit masasabi ko na tinawag ako
ng Diyos sa Kanyang ministeryo para maglingkod. 
Ang maipangarangal ang Mabuting
Balita na mahal ng Diyos ang buong sangkatauhan kaya ibinigay Niya si Jesus na
kanyang Anak na namatay para sa ating kasalanan at kung sinuman ang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapapahamak kundi magkaroon ng buhay ng walang
hanggan, ay ang nais ng Diyos na malaman ng lahat. Bilang isang lingkod ng
Diyos, bawat araw ay hamon para sa buhay na kalugod- lugod sa kanya-ang
pagsasantabi sa sariling kagustuhan at pagtugon sa kung ano ang nais Niya, at
ang mamuhay ng may pag-ibig sa lahat ng pagkakataon. Ang lahat ng nagawa,
ginagawa, at gagawin palang ay tanging tungkulin na aming ginagampanan para sa
Diyos na Siyang sumisiyasat sa aming mga puso. Kaya’t ang aking panalangin ay
magpatuloy sa gawain na ibingay ng Dios hindi para kalugdan at papurihan kundi  upang aking lubos na magampanan ang tungkulin
na Kanyang ibinigay.
Comments
Post a Comment