“All the Earth Waits for Messenger”
Biblical Reference: Malachi 3:1-4; Mga Awit 24:4-5,8-10; Mula
sa Lucas 1:57-66
Written by: Dss. Jesemae Gael Gale (December 23, 2025)
Sa ating pang walong Simbang gabi na ang tema ay
pinamagtang “All the Earth Waits for Messenger”
May tatlong po tayong Tekso na magmumula sa lumang tipan
hanggan sa panibagong tipon ng Biblia.
Mula sa Malachi 3:1-4- Sinasabi sa atin sa
panahon ngayon na mayroong Sugo o tagapamalita mula sa Diyos. Ang tungkulin ng
Sugo ng Diyos ay ihanda ang lahat para sa pagdating ng Diyos. Isang halimbawa
ng Sugo ng Diyos ay Si Moses na siyang ginamit ng Diyos upang turuan ang mga
Israelita sa pamumuhay ng tama at ayon sa kalooban ng Diyos.
Mula naman sa Mga Awit 24:4-5,8-10,
ipinapaalala sa atin na ang lahat ng sa Mundo ay nilikha at pag-aari ng Diyos.
Inaasahan na dahil ang lumikha sa atin ay Banal ay ganoon din nawa ang Kanyang
mga nilikha. Ngunit sa kasamaang palad dahil sa pagdating ng kasalanan at
kakayahan ng mga tao na magkaroon ng
sariling pagpapasya at pag-iisip, nakakagawa ang lahat ng bagay na nakapaglalayo
sa kanyang relasyon sa Diyos.
Sino daw ba ang makakalapit sa Diyos? Iyon daw taong may
malinis ang buhay at isipan bunga ng kanilang paglapit Sa Diyos. Sa paglapit sa
Diyos, ay hinahayaan din natin na pumasok Siya sa ating buhay. Ang hamon naman
sa atin sa panahon ngayon ay Sino kaya sa ating ang kusang lumalapit at
hinahanap ang Diyos araw-araw sa kanyang buhay?
Ang lumalapit sa Diyos ay bibigyan Niya ng pagpapala't
kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan. (Awit 24:5)
Mula sa Lucas 1:57-66 ay ang kwento
patungkol sa pagkilos ng Diyos sa buhay nina Elizabeth, Zacarias at ang anak
nila na pinangalanang “John” “Juan” nakilala bilang John the Baptist. Na ang
ibigisabhin ng pangalang Juan ay ‘Diyos
ay Mabiyaya’ God is Gracious.
Naging pipi si Zacarias dahil sa nagduda Siya na
magkakaanak sila ni Elizabeth sa pamamagitan ng Pangako ng Diyos ngunit sa oras
na isinulat niya at kinilala niya ang Pangalan Juan (God is gracious) Siya ay nakapagsalita
muli at nagpuri sa Diyos.
Si kinalaunan ginamit ng Diyos si John the Baptist upang
ipangaral ang pagdating ng Mesias si Jesu- Cristo ang ating Panginoon at
Tagapagligtas.
Sinabi ni Juan sa Mateo 3:2 Ganito ang kanyang sinasabi,
“Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang
dumating ang kaharian ng langit!”
“All the Earth Waits for Messenger”
Kung ang Messnger na kilala sa kapanahunan ngayon ay
isang Social Media Platform para sa komunikasyon.
Tayong lahat din ay tinatawag na maging “Messenger”
Na maipaparating natin ang Mabuting Balita “ Na sakabila
ng makasalanang Mundo may Diyos na Mabiyaya at mapagmahal na ibinigay ang Kanyang
Bugtong na Anak (Si Jesus) upang kung sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi
mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa aking pagtatapos, Noong 2019 may isang taong nagtanong
sa aking kung talaga totoo ba ang Diyos bakit hanggang ngayon wala pa Siya?
Kinabahan ako kung anong ang isasagot ko.
Ngunit tinulungan
Ako ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyng Salita sa 2 Peter 3:9,
9 Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako
gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat
hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod
sa kasalanan.
Ito ang aking sinagot
sa Kanya at dagdaga ko pa ay sinabi ko sa kanyana baka “ ikaw ay isa sa mga
hinhintay Niya…
Kaya naman mga Kapatid ko sa pananampalataya, nawa’y sa
ating paghihitay sa muling pagpaparito ni Jesus, tayong lahat ay maging handa
na maging “Messenger” o Mensahero ng Magandang Balita na laging hinihingi gabay
at ang biyaya ng Diyos sa mabuting pamumuhay.
“All the Earth Waits for Messenger”
Ang Diyos ang Siyang
maitaas. Amen.
Comments
Post a Comment