Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2021

Natutong Isulat

                                                        My JournalsYear 2017 Taong 2013, gamit ang notebook at ballpen ay nagsimula akong magjournal. Natutunan ko ito sa aming Deaconess. May paraan siyang ibinigay sa amin kung paano namin ito sisimulan. Ang morning devotion ay binubuo ng Scripture, Lesson/Reflection, Application, Prayer (SLAP) . Ang Scripture   ay pagbabasa ng Salita ng Diyos at isusulat yung talata na kung saan nangusap sa iyo ang Panginoon. Ang lesson ay patungkol sa kung ano ang natutunan sa napiling talata. Ang application ay kung ano ang nais gawain na konektado sa nabasa at naisulat na talata. Ang panghuli ay ang pagsulat ng iyong sariling panalangin (Prayer) . Sa gabi naman ay itinatala ang mga bagay na ipinapasalamat (Things I'm Grateful About), mga mah...

Ang Simula

Isa sa pinakamahirap gawin ay ang magsimula. Ang katumbas kasi ng pagsisimula ay ang pagpapatuloy hanggang makarating ka sa dulo. Halimbawa na lamang ngayon, matagal ko nang gusto na magsulat upang maibahagi ang aking mga karanasan at kaisipan. Naiisip ko kasi na ang bawat araw na ibinibigay sa ating ng Panginoon ay may dulot na aral. Kaya napakahalaga na maitala ang mga kaganapan na nangyayari sa ating buhay o sa ating paligid. Bago magsimula ang isang tao, maaari na siya ay may plano o may ginagawang paghahanda. Hindi naman ito mali sapagkat sa pamamagitan nito nagkakaroon ng panahon ang tao na mag-isip patungkol sa kung paano siya magsisimula. Tinutulungan din nito ang tao na suriin ang mga bagay na dapat niyang isaalang-alang. Ang hindi maganda ay ang walang pag-usad, yung hanggang paghahanda at pagplaplano na lamang. Tandaan natin na ang panahaon ay lumilipas at ang oras ay hindi humihinto. Kaya hangga't maaari ay magkaroon nawa ng kahandaan sa sarili ang bawat isa at maglaan ...