Skip to main content

Ang Simula


Isa sa pinakamahirap gawin ay ang magsimula. Ang katumbas kasi ng pagsisimula ay ang pagpapatuloy hanggang makarating ka sa dulo. Halimbawa na lamang ngayon, matagal ko nang gusto na magsulat upang maibahagi ang aking mga karanasan at kaisipan. Naiisip ko kasi na ang bawat araw na ibinibigay sa ating ng Panginoon ay may dulot na aral. Kaya napakahalaga na maitala ang mga kaganapan na nangyayari sa ating buhay o sa ating paligid.

Bago magsimula ang isang tao, maaari na siya ay may plano o may ginagawang paghahanda. Hindi naman ito mali sapagkat sa pamamagitan nito nagkakaroon ng panahon ang tao na mag-isip patungkol sa kung paano siya magsisimula. Tinutulungan din nito ang tao na suriin ang mga bagay na dapat niyang isaalang-alang. Ang hindi maganda ay ang walang pag-usad, yung hanggang paghahanda at pagplaplano na lamang. Tandaan natin na ang panahaon ay lumilipas at ang oras ay hindi humihinto. Kaya hangga't maaari ay magkaroon nawa ng kahandaan sa sarili ang bawat isa at maglaan ng oras sa nais gawin upang siya ay makapagsimula.

- I'm Jes

Comments

Other Stations

Sa Hudyat

Makalipas ang halos tatlong buwan sa aking bagong church appointment – Anda Central United Methodist Church (ACUMC), napakarami na agad akong realizations sa buhay, sa sarili, sa ministry, at sa aking pananampalataya. Sa ikatlong buwan lamang na pinahintulutan ako ng ating Diyos na magsalita kaya iyon ang aking gagawin sa puntong ito. Sa ibaba, makikita ang mga supporting verses kung bakit ngayon ay nagbabahagi ako sa inyo. Lucas 5:14 14  Pinagbilinan  siya ni Jesus, “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa kanya. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao na ikaw nga'y magaling na.” Lucas 8:17 17  Walang  natatago na di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. Lucas 8:39 39  “Umuwi ka na at ipamalita mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.”   Ito ang panahon ng pagbabahagi. Sa unang buwan ng aking new church appointment, ako ay nanibago. Gayun pa man ay pin...

Ang Buhay

Napapaisip ako sa takbo ng mundo Ni minsan hindi ito tumigil Natural ang pag-ikot nito Kaya naman ang mga tao tumatakbo din Ang tao nagpapatuloy kahit napapagod Dahil sa buhay na ito ay may itataguyod Nasaksihan ko ang karanasan ng maraming tao Lahat ay may natatanging kwento Sumapit ang panahon na kailangang huminto Hindi para sumuko kundi mayroong napagtanto “Sana nama’y may kabuluhan lahat ng ito” Napatingin ako sa taas at humingi ng saklolo. -JGOG 

Life is You Lord

Blinded by the acts of the world ( am-G-C Was tasked to do as it demands (am-G-C Life as they know it, how can, I be sure? (am-G-C What is my life, dear Lord? (Am - C G On my own will, I tried to search (am-G-C Looking for answers, unsatisfied (am-G-C Spent my time, and  money, and my might (am-G-C How can I know if these are right? (Am-F-G Refrain. Now, I come to you and taught me that (G-am-G-am) Life is You Lord (Jesus), it is all about You (F-G Here I am, use me Lord Jesus (G-am-G-am You are my life; I take up my cross (F-G And follow you (C/G-am-F) Bridge Even when hope seems to be lost (am-G And even when my mind cannot decide (am F I pray to you, O, Lord, your will be done not mine. (Am-G- am-F