Nasubukan mo na ba ang mangailangan? Ang mahingan Ng tulong? Sa lahat ng aspeto ng buhay may pangangailangan ang tao. Ako ay naniniwala na may dahilan kung bakit tayo nasa isang lugar, isang grupo, isang pamilya, kung bakit nakakikilala tayo ng ibang tao at kung bakit naririto Ka- Tayo sa mundo. Nagpapasalamat ako sa ating Panginoon sapagkat siya ay gumagamit ng maraming tao upang iparamdam Ang Kanyang pag-ibig. Salamat sa lahat ng taong ginagamit Niya araw araw. Minsan tayo ang nangangailangan, minsan tayo rin ay tinatawag na tumugon sa pangangailangan. Ang pagpapala ay mula sa ating Panginoon. Tayong lahat ay daluyan ng Kanyang pagpapala.
-I'm Jes
Comments
Post a Comment