Skip to main content

Ituon Kay Jesus

Mga Hebreo 12:1-2

12 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. 
2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.

Ang Buhay Kristiyano ay isang paglalakbay kasama si Jesus. 
Si Jesus ang nagpakita kung paano mamuhay ng may kabanalan.
Bagama't tayo ay nasa mundong maraming nakapalibot na paghihirap, tukso at kasalanan, makakayanan nating malagpasan Ang mga ito kung nakatuon tayo sa ating Panginoong Jesus.

Mayroong naghihintay na kagalakan sa atin sa may Hangganang kinaroroonan Ng Diyos.
Huwag tayong magpagod sa Buhay Kristiyano. Magpatuloy tayo sa paglilingkod at lakbay Ng nakatuon ang paningin Kay Jesus na ating Panginoong at Tagapagligtas.

Comments

Other Stations

SERMON| Together in Faith, United in Love

  SERMON|NaCaToBo Cluster| LOVE FELLOWSHIP February 2, 2025                 Venue: Caniogan United Methodist Church, Anda, Pangasinan Prepared by: Dss. Jesemae Gale Theme: “Together in Faith, United in Love” Scripture : Colosas 3:14 Magandang Balita Biblia 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.                                          Pump Question: 2  Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan....