Skip to main content

Sa Lahat ng Pagkakataon

1 Tesalonica 5:16-18
Magandang Balita Biblia
16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Ang mga talatang ito ay bilin ni apostol Pablo sa mga taga Tesalonica at nais ring iparating sa ibang mga kapatid. Nasabi ito ni Pablo, Hindi dahil nasa mabuti Siyang kalagayan, bagkus nalalaman niya na kahit may haharapin pagsubok Ang bawat isa HINDI dapat Tayo manghina sa pananampalataya dahil Tayo ay nasa Pangako Ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus na ating Tagapagligtas. Nasa ilalim na tayo Ng kapangyarihan Ng Diyos kaya natututo na tayong pahalagahan Ang KALOOBAN Niya kaysa sa sailing nating kagustuhan.  Kaya kapatid "Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances."

Comments

Other Stations

Isang Taon at Pagkakataon

VIDEO:  https://web.facebook.com/share/v/1JVCyWh1mU/              Sa isang taon na ako ay nakadestino sa Anda Central ay maraming ako natutunan. Ito rin ang ikalawang taon ko sa aking full-time ministry. Ang ACUMC ay isang matatag na simbahan. Dumaan man ito sa hiwalayan, nagpatuloy ito kahit baguhan ang mga nakaupong mga opisyal. Hindi ko masasabing ito ay perpektong simbahan, ngunit nakita ko ang pagnanais na lumago hindi lamang sa bilang ngunit ganoon din sa pananampalataya. Hindi man ito agad-agad, nauna man ang paglago sa bilang, ngunit nagtitiwala ako sa pangungusap at paglago na ibibigay ng Panginoon para sa mga miyembro. Ang panawagan lamang sa bawat isa ay ang pagkakaisa, pagbibigayan, tapat na pagsunod sa ating Diyos, pagpapakumbaba, paglilingkod, pagpapatawaran, at pagmamahalan.             Nakasama ko sa isang buong taon ang aking mga minamahal na kamanggagawa sa iglesia sina Pastor Augusto as ...