Skip to main content

"Oo" o "Hindi"

Mateo 5:37
Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.”

Ang bawat salita na ating binibitawan ay mahalaga. Dahil Ang mga salitang ito ay maaring makapagbigay ng kaliwanagan o magbigay Ng kalituhan. Dapat na maging malinaw at maingat Tayo sa ating sinasabi upang maiwasan ang Hindi pagkakaintindihan.
Pinapaalala din sa atin Ng Bibiliya na huwag mangyari na pagpupuri at panlalait Ang manggaling sa bibig (James 3:10). Nais Ng Diyos na dumaloy sa atin Ang ISANG malinaw na Tubig: Ang mga salitang pawang pagpupuri, nakapagpapalakas Ng loob, puno ng pag-asa, kapakumbabaan at karunungan na nagmumula sa Diyos.

Panginoon, tulungan Mo Po kami na pakaingatan Ang aming mga salita na mangagagaling sa aming bibig. Sa pangalan ni Jesus Amen.

Comments

Other Stations

Isang Taon at Pagkakataon

VIDEO:  https://web.facebook.com/share/v/1JVCyWh1mU/              Sa isang taon na ako ay nakadestino sa Anda Central ay maraming ako natutunan. Ito rin ang ikalawang taon ko sa aking full-time ministry. Ang ACUMC ay isang matatag na simbahan. Dumaan man ito sa hiwalayan, nagpatuloy ito kahit baguhan ang mga nakaupong mga opisyal. Hindi ko masasabing ito ay perpektong simbahan, ngunit nakita ko ang pagnanais na lumago hindi lamang sa bilang ngunit ganoon din sa pananampalataya. Hindi man ito agad-agad, nauna man ang paglago sa bilang, ngunit nagtitiwala ako sa pangungusap at paglago na ibibigay ng Panginoon para sa mga miyembro. Ang panawagan lamang sa bawat isa ay ang pagkakaisa, pagbibigayan, tapat na pagsunod sa ating Diyos, pagpapakumbaba, paglilingkod, pagpapatawaran, at pagmamahalan.             Nakasama ko sa isang buong taon ang aking mga minamahal na kamanggagawa sa iglesia sina Pastor Augusto as ...