Skip to main content

Pagpapala

 Ang pagpapala

Sa Diyos ay nagmumula

O, umaapaw

Comments

Other Stations

Sa Kanya

Mga Kawikaan 16:3,9 "3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,    at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin." "9 Ang tao ang nagbabalak,  ngunit si Yahweh ang nagpapatupad." Isang paalala! Habang nasa Spiritual Retreat  ako ng mga kababaihan ng simbahan, inalala ko kung ano-ano ang mga pinaghandaan at ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Sinabi ko sa aking sarili, "kahit pala anong paghahanda at pagplaplano na aking gawin hindi ito matutupad kung wala ang kalooban  at gabay ng Diyos." Madalas sa ating buhay ay gusto natin ng "perfect at planado" pero ang totoo laging mayroong mga pagkukulang. Nakakadismaya din kapag hindi natupad yung gusto mong mangyari. Kung dumaan ka man sa ganitong sitwasyon, suriin mo ang iyong sarili dahil baka mali ang motibo mo o di kaya ay nagkulang ka na kumunsulta sa ating Diyos. Baka naman nakakalimot kana na hindi mo kaya ang lahat at tanging ang Diyos lang ang may kontrol ng lahat. Sa kasamaang pal...

Maging Kaibigan ng Diyos

Santiago 4:4  "Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos." Ano ba ang taglay Ng sanlibutan? 1 Juan 2:16-17 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. Ano naman Ang Buhay na Kasama Ang Diyos? Colosas 3:12-17 12 Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmam...