Colosas 3:1
"Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos."
Anong ang mga dapat na nating talikuran bilang binuhay ni Cristo?
1. Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan (Colosas 3:5)
2. Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita (Colosas 3:8).
3.Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito (Colosas 3:9)
Ano ang dapat nating gawin bilang binuhay muli na kasama ni Cristo?
"Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala" (Colosas 3:10).
Hinihikayat tayo na mamumuhay katulad ng pamumuhay na pinakita ni Jesus nang Siya ay nanirahan sa mundo. Kung ano ang mahalaga sa Panginoong Diyos, Iyon din ang dapat nating pahalagahan sapagkat bilang mananampalataya ay hinahayaan nating ang Diyos ang maging sentro ng ating pamumuhay.
Comments
Post a Comment