Skip to main content

Renewing Our Strength God

 Devotion-June 10, 2024- TuBoLiTa Cluster

Theme: Renewing Our Strength God (Sa Diyos, ating panumbalikin ang ating lakas)

Question: Sino sa inyo ang napagod? Pagod? Napapagod? O Mapapagod pa lang? At saan or kanino naman kayo kumkuha ng lakas?

Scripture: Isaias 40: 27-31a (Si Yahweh ang nagbibigay lakas)

27Israel, bakit ka ba nagrereklamo
    na tila hindi pansin ni Yahweh ang kabalisahan mo,
    o hindi inalalayan sa kaapihang naranasan?

28 Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig?
Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos,
    ang siyang lumikha ng buong daigdig?
Hindi siya napapagod;
    sa isipan niya'y walang makakaunawa.
29 Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.
30 Kahit na ang mga kabataan ay napapagod
    at nanlulupaypay.
31 Ngunit muling lumalakas
    at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.

 

Mula sa nabasa natin, katulad ba tayo ng Israel na pakiramdam natin ay hindi napapansin ng Diyos ang nararamdaman mo? Pero ano  nga  ba ang TOTOO o sinasabi ng Biblia sa atin?

 

Ang totoo ay alam ng Diyos ang kalagayan ng bawat isa sa atin. Sino ba ang ating Diyos? Dahil ang Diyos natin ay dakila, Siya ang lumikha ng lahat, hindi natin maaabot ang katayuan ng Diyos (v. 28). Nasa Diyos na ang lahat. Sa tingin mo ba ay napapagod ang Diyos? Sinabi sa nabasa natin na HINID SIYA napapagod kaya naman Siya ang nagbibigay lakas sa mahihina at mga napapagod (vv. 28-29).

Sino-sino ba ang mga naghihina? Lahat ng tao ay kabilang dito. Ngunit mapapansin natin na nabanggit sa nabasa natin na “Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay (v. 30). Tayong mga kabataan ay kilala bilang maliliksi at malalakas physically. Pero hindi naman natin maiiwasan na may panahon din na ang bawat isa sa atin ay manghina. Ang mga kahinaang ito (physical, emotional, mental, social, financial, o spritiual) ay tanda na kailangan natin ng TULONG. Dahil din sa mga kahinaang ito, hindi tayo makakausad sa buhay sapagkat limitado ang ating kakayanan. Kaya’t KAILANGAN natin ang DIYOS sa ating buhay upang TAYO ay magkaroon ng panibagong lakas.

Dahil ang pangako ng Diyos ay Ngunit muling lumalakas
    at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.
Lilipad silang tulad ng mga agila.
    Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,
    sila'y lalakad ngunit hindi manghihina. (v 31).

 

Kung minsan napapaisip tayo na bakit kahit lagi naman tayong nag sisimba, nagpapray, o aktibo sa mga ministeryo ay nakakramdaman pa rin tayo ng pagod, panlulupaypay o panghihina?

 

Naaalala ko yung pananhon na habang nasa HARRIS ako nakaramdaman ako ng pagod (emotionally) at dahil dito parang naapektuhan ang pananampalataya at kung paano ako maglingkod. Kasi kahit nagpapatuloy ako sa gawain parang “feeling ko” hindi ako nag grow or naapektuhan. Pero ginising ako ng Panginoon. Biniygyan niya ako ng babala sa Matthew 24:12-13 (12 Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.) Nanalangin ako na “Lord ayaw kung manlamig sa iyo. Tulungan mo ako sa nararamdaman ko.” At through faith in God pinalakas niya ako muli at nagpatuloy.

 Alalahanin natin na alam at may pakialam ang Diyos sa atin at tinuturuan niya tayo na hindi mamuhay at manatili sa kung anong ang nararamdaman natin kundi mamuhay sa pananampalataya natin sa Kanya.

 

Nakikita mo bang na ang mga ginagawa MO sa Diyos ay IYONG LAKAS? Ang pag-awit, pananalangin, pagtugtog, pagtuturo o kahit anumang ministeryong ipinagkaloob sa iyo?

Siyasatin mo ang iyong sarili na baka ang mga gingawa mo para sa DIYOS ay nagiging daan mo para manahan ka sa iyong SARILING LAKAS at KARUNUNGAN.

 

AWIT 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag,
    tiwala ko'y sa kanya nakalagak.
Tinutulungan niya ako at pinasasaya,
    sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

 

Panalangin…

Comments

Other Stations

Sermon: Jesus Christ, the Power and Wisdom of God

Scripture: 1 Corinthians 1:18-25 "As if you know everything." I still remember when I was in junior high school, that was the line of my English teacher every time the class was getting noisy,  and no one was listening to her. Can we assess ourselves if there’s a possibility that we can know everything? Is our knowledge or wisdom enough to help us and save us from all trials of this world? Can we rely on our knowledge or wisdom? Whom knowledge and wisdom do we seek and need? The message of our scripture in 1 Corinthians 1:18-25 is about Jesus Christ the power and wisdom of God.            1. We need the wisdom of God to be saved from the penalty of sin called death.    How can we assess if someone’s wisdom is worth believing?              In this modern world, there is a saying “to see is to believe.” Some might ask for evidence or rational reason to believe. Apostle Paul wrot...

Ang Buhay

Napapaisip ako sa takbo ng mundo Ni minsan hindi ito tumigil Natural ang pag-ikot nito Kaya naman ang mga tao tumatakbo din Ang tao nagpapatuloy kahit napapagod Dahil sa buhay na ito ay may itataguyod Nasaksihan ko ang karanasan ng maraming tao Lahat ay may natatanging kwento Sumapit ang panahon na kailangang huminto Hindi para sumuko kundi mayroong napagtanto “Sana nama’y may kabuluhan lahat ng ito” Napatingin ako sa taas at humingi ng saklolo. -JGOG