June 14, 2024
UMYFP and UMYAFP Fellowship
Theme: Where does God reside? (Saan Nananahan si
Yahweh?)
Reference: The Upper Room Disciplines A book of daily devotions
2024
Question: Saan ka ngayon nakatira? Masasabi mo ba na
ligtas at panatag ka sa lugar na ito habang buhay? Para sa iyo, paano mo mailalarawan
ang isang tahanan?
Scripture: 2 Samuel 7:1-9 (Ang Kasunduan ng Diyos kay
David)
1Si David ay panatag nang nakatira sa kanyang
palasyo. Sa tulong ni Yahweh, hindi na siya ginambala ng kanyang mga kaaway. 2
Tinawag niya si Natan at sinabi, “Ang tahanan ko'y yari sa sedar, samantalang
nasa isang tolda lamang ang Kaban ng Diyos.”
3 Sumagot si Natan, “Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat si
Yahweh ay sumasaiyo.”
4 Ngunit
nang gabi ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Natan, 5 “Pumunta
ka kay David na aking lingkod at sabihin mo, ‘Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan? 6 Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel,
wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking
tahanan. 7 Kahit lagi akong
kasama ng Israel, wala akong sinabing anuman sa sinumang pinuno tungkol sa
tahanang sedar na dapat kong tirhan, gayong ako ang pumili sa kanila upang
mamahala sa aking kawan.’ 8 Sabihin
mo rin sa lingkod kong si David ang salitang ito ni Yahweh: ‘Kinuha kita mula
sa pagpapastol ng tupa upang gawing pinuno ng bayang Israel. 9 Kasama mo ako saan ka man magtungo at lahat
mong mga kaaway ay aking nilipol. Gagawin kong dakila ang iyong pangalan tulad
ng mga dakilang tao sa daigdig.
Ayon sa ating
nabasa ay nakamit ni haring David ang kanyang katayuan sa pamamgitan ng tulong
ni Yahweh. Napagtanto ni haring David na siya ay nakatira sa palasyo ngunit and
Kaban ng Diyos ay nasa Tolda lamag. Ano kaya ang naiisip gawin ni David?
Nagbabalak ba siya na gawan ng tahanan ang Diyos? Maaaring katulad ni David
ay nakikita natin kung ano tayo ngayon at nais din natin ibalik lahat sa
Panginoon o bigyan ng Karangalan ang Panginoon at naisin na bigyang espasyo ang
Panginoon.
Ano naman ang
sinabi ni Yahweh kay David? Ang tugon naman ng Diyos ay “simula nang iligtas Niya ang
Israel ay wala pa Siyang bahay na masasabing sa Kanya at tila sa tolda pa
lamang ang Kanyang tahanan at wala pa Siyang sinasabihin sa mga pinuno ng
Isarel (maging si David) patungkol sa tahanan na dapat Niyang tirhan (vv. 6-8).
At sinabi pa ng ating Diyos na laging kasama Niya ang Israel at sila ang napili
para mamahala sa Kanyang Kawan. At nangako pa ang ating Diyos sa sasamahan Niya
si David saan man siya magtungo, ililigtas, at gagawing tanyag sa daigdig (v.
9). Ano sa iyong palagay ang ibig-sabihin nito? Saan ba nakatira at
nananahan ang ating Diyos? Bakit hindi sinabi ng Diyos ang patungkol sa Kanyang
dapat tirhan?
Ang katotohanan
sa pagbubulay natin ngayon ay ang Diyos ay nananahan sa NAIS niyang gawing
tahanan. Hindi ito limitado sa isang gusali lamang, isang lokasyon, o isang
tao. Sa katanuyan ay nasa Diyos ang pinakamataas na desisyon kung saan, kalian,
at kanino siya mananahan. At ipinapaunawa din s na nanahan at sumasaatin ang Diyos na mababasa sa
ebanghelyo ni Juan (15:4) “4 Manatili kayo sa
akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi
nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo
mananatili sa akin.” At sa 1 Corinto
3:16-18 naman ay
“16 Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at
naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?”
Hindi
pinahintulutan ng ating Diyos na sabihin ang patungkol sa Kanyang dapat tirhan
sapagkat nais niya na maunawaan natin na Siya ay nakahihigit sa lahat at Siya
ang nattaanging nakakaalam ng lahat. At nais Niyang itanim sa atin na magkaroon
tayo ng tiwala sa Kanya. Hindi natin maaabot ang kaisipan ng Diyos kung
saan Siya paparoon o paparito, ngunit sa papamamagitan ng pananamplataya natin
kay Jesus nauunawaan at nararamdaman natin na kasama natin ang Diyos at tayo ay
Kanyang iingatan, at gagawing saksi sa sangkatauhan.
Nitong mga nakaraang araw, ipinaunawa sa akin ng Diyos na
hindi ko dapat piliin ang lugar na kung saan sa “aking palagay” ay nandoon ang Kanyang presensya.
Ito ay isang maling kaisipan at pananaw, sapagkat Hindi tayo ang magtatakda ng
lokasyon ng Diyos at ang katotohahan ay Siya, na ating Diyos, ay laging nandyan
at laging dapat pahintulutan at hayaan na kumilos at magpakilala.
Nagkakaroon ka pa rin ba ng agam-agam kung saan tatahan ang
ating Diyos? At kung nasaan Siya? At kung kasama ba natin Siya?
Saan man tayo magpunta huwag matatakot at mangamba dahil
nangako ang Diyos na sasamahan Niya tayo.
Sinasabi sa Jeremias
29:13 “13 Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso
ninyo akong hahanapin.”
Panalangin…
Comments
Post a Comment