Theme: And it came to pass (At nangyari at mangyayari)
July 20, 2024
Q.Bago po ako mag umpisa, maari ko po ba kayo matanong kung ano sa tingin Ninyo ang pagkakaparehas natin sa isa’t isa? Ano po kayang mayroon ako na mayroon ka rin at tayong lahat?
_ Read Acts 2:1-4,17; Joel 2:28
Acts 2:1-4, 17
Ang Pagdating ng Espiritu Santo
Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar
nang sumapit ang araw ng Pentecostes. 2 Walang anu-ano'y may ingay na nagmula
sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na
kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa
bawat isa sa kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at
nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng
Espiritu.
16 Ang nakikita ninyo'y katuparan
ng ipinahayag ni Propeta Joel,
17 ‘Ito ang gagawin ko sa mga
huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at
babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga
pangitain, at ang inyong matatandang
lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
Joel 2:28
Ang Araw ni Yahweh at ang
Kanyang Espiritu
28 “Pagkatapos nito, ipagkakaloob
ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao:
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki't babae ang aking mga mensahe.
Magkakaroon ng mga panaginip ang inyong matatandang lalaki,
at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.
Q. Ano po ang nangyari sa mga alagad ni Jesus nang araw ng Pentecostes? Ano/sino ang kanilang natanggap? Ano- ano ang mga nagyari simula ng araw na iyon hanggang ngayon?
1. Napuspos ng Espiritu Santo
ang mga alagad ni Jesus ayon sa kanyang ipinangako.
Bago pa man dumating ang araw ng Pentecostes,
kinausap na ni Jesus ang kanyang mga alagad at ipangako ang Espiritu Santo.
John
14:15-16 Ang Pangako tungkol sa Espiritu Santo
15
“Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. 16 Dadalangin ako
sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo
magpakailanman.
Ipinagkaloob ang Espiritu Santo
bilang Pangakong Patnubay at kasama natin magpakailanman. Dahil sa pagtitiwala
at pananampalataya at pagtanggap natin sa Panginoong Jesus, Sumasaatin ang Espiritu
Santo.
Inilarawan ang Espiritu Santo sa
pamamagitan ng ingay na nagmula sa langit, ugong ng malakas na hangin, mga
dilang apoy na dumapo sa mga alagad.
Sa panahon natin ngayon maihahalintulad
natin ito sa born-again experience ng bawat isang mamanampalatayang tumanggap
sa ating Panginoong Jesus. Katulad na rin ng ating founder na si John Wesley noong
binaggit niya ang katagang
‘In the evening I went very
unwillingly to a society in Aldersgate Street, where one was reading Luther’s
preface to the Epistle to the Romans. About a quarter before nine, while he was
describing the change which God works in the heart through faith in Christ, I
felt my heart strangely warmed.
I felt I did trust in Christ,
Christ alone for salvation; and an assurance was given to me that he had taken
away my sins, even mine, and saved me from the law of sin and death.’
2. Ang Espiritu Santo ay nagbigay ng kaloob sa
mga alagad
Acts
2:4,16-17 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang
magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
16
Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel,
17
‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking
Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng
inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang
lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay
magkakaroon ng mga panaginip.
Ang bawat isa sa atin ay may
kaloob na tinanggap mula sa Espiritu Santo. Pinagkaloob hindi para sa sariling
layunin kundi para maipahayag ang mensahe ng Diyos.
Mga
Gawa 1:8
8
Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at
kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at
hanggang sa dulo ng daigdig.”
At
ang mensahe ay Juan 3:16
16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay
niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay
hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
3. At nangyari ang lahat dahil sa
pagpuspos ng Espiritu Santo
Nangyaring
nahayag ng mga alagad ang mensahe ng Diyos at nangyaring nagawa ng mga alagad ang
lahat lahat ng bagay para matulungan ang tao. Nangyari ang lahat ng bagay dahil
sa patnubay ng Espiritu Santo.
Juan 14:26
26 Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa
pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng
lahat ng sinabi ko sa inyo.
Nangyari po na nagtagumpay ang bawat
isa sa buong taon ng kanyang paglilingkod, Nangyari po na natapos at nagawa ang
lahat ng ministeryo ng Diyos. Nangyari po na ang conference year 2023-2024 ay makabuluhan
at matatag at mangyayari po na patuloy ang paglilingkod, pag-asa,
pananampalataya, at pag- ibig dahil sa Puspos ng Espiritu Santo sa buhay ng
bawat isa sa atin.
Efeso
2:9-10
9
hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman. 10
Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo
Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una
pa man upang gawin natin.
Ang kahalagahan po ng mensahe sa
ating Diyos ngayon ay nagsisilbing paalala na ang Diyos ang Siyang nagsimula ng
lahat. Sa pamamagitan ni Jesus na ating PAnginoon at Tagapagligtas at ang pangako
tungkol sa Espritu Santo.
Sa pag-umpisa po muli ng panibagong
kumperensya alalahanin po nating ang Diyos na makapangyarihan sa lahat at tanggapin
ang Kanynga patnubay. Gamitin natin ang kaloob na pinagkaloob sa atin ng Espiritu
Santo para sa iisang lanyuning maihayag ang mensahe ng Diyos.
Acts
2:17
17
‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking
Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng
inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang
lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay
magkakaroon ng mga panaginip.
Mga
Kawikaan 3:5-6
5
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,
at
huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
6
Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,
upang
ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Comments
Post a Comment