Skip to main content

When God Calls... (Kapag tumawag ang Diyos..)

Date of preparation:  August 21 for August 25, 2024

Theme: When God Calls…

Scripture: Genesis 12:1-9 (Tinawag ng Diyos si Abram)

 

PUMP Question:

Ano ba ang kadalasaang dahilan kung bakit ikaw, ako, o tayo ay tinatawag?

 

Basahin Genesis 12:1-9

 

Q.  Nang may tumawag sa iyo para gawin ang isang bagay, maihahambing mo ba ang iyong sarili sa buhay ni Abram noong tinawag siya ng Diyos? Bilang isang kabataang Kristiyano ano ang nais ipagawa sa iyo ng Diyos?

 

Intro:

Ang binasang teksto kanina ay tungkol sa pagtawag ng Diyos kay Abram.

 

Sino ba si Abram?

Si Abram ay mula sa lahi ni Shem na Anak ni Noe, at si Noe naman ay mula sa lahi ni Adan na nilikha ng Diyos.

Siya ay may asawang nagngangalang Sarai, at hindi siya magkaanak dahil siya ay baog.

 

          Sa umpisa pa lamang ay nagsalita na ang Diyos kay Abram. “1Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami.

 

1. Kapag tumawag ang Diyos, mayroon siyang plano.

Ang plano ng Diyos sa pagtawag niya kay Abram ay paramihin ang kanyang lahi, pagpapala at magiging pagpapala sa iba, at lupain o tirahan. Makikita natin na ang pagtawag ng Diyos kay Abram ay para sa ikabubuti mula sa kanyang lahi papunta sa nakararami para sa kasalukuyan nilang situasyon at para sa hinaharap. Bagama’t may magandang plano ang Diyos isang hamon ang ibinigay kay Abram. Ang umalis sa pader ng kanyang pamilya at pumunta sa lugar na ituturo ng Diyos na kung saan hindi pa niya nakikita.

 

Q.Kung tayo ang nasa kalagayn ni Abram maaring mapapaisip ka rin talaga. At maitatanong kung kaya ko bang iwan ang aking nakasanayan, bayang sinilangan at kinalakihan ko at ang pamilya na  kinabibilanagan ko?

 

2. Kapag tumawag ang Diyos, siya ay makakasama mo at magbibigay ng lahat ng kailangan mo.

Sinabi ng Diyos kay Abram (v.3) Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.” Ang Diyos ang gabay ni Abram sa pagtupad ng magandang plano kaya’t nalalaman din ng Diyos ang mga situasyon na maaaring maranasan niya ito man ay mabuti o masama.

 

3. Kapag tumwag ang Diyos, mayroon pagtugon, pagsunod at pagpapahayag . (v.4)Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh; nilisan niya ang Haran noong siya'y pitumpu't limang taon. Sumama sa kanya si Lot. Isinama ni Abram ang kanyang asawang si Sarai at si Lot na pamangkin niya. Dinala niyang lahat ang kanyang mga alipin at mga kayamanang naipon nila sa Haran. Pagkatapos nito'y nagtungo sila sa Canaan.

          Nang sumunod si Abram at nakarating sa lugar na itinuro ng Diyos. Nagpunta siya sa banal na lugar at doon nagpakita ang Diyos at sinabi na (v7) “Ito ang lupaing ibibigay ko sa iyong lahi.” At nagtayo si Abram ng altar para kay Yahweh na nagpakita sa kanya.   Buhat doon, nagtuloy siya sa kaburulan sa silangan ng Bethel at huminto sa pagitan ng Bethel na nasa kanluran at ng Ai na nasa silangan. Nagtayo rin siya roon ng altar at sumamba kay Yahweh. Mula roon, unti-unti silang nagpatuloy papunta sa gawing timog ng Canaan.

 

          Pagkarating doon ay hindi naman agad nangyari ang plano ng Diyos ngunit nangako ang Diyos na ibibigay at gagawin niya ito. Kaya’t sa una pa lamang ay sinigurado na ng Diyos na makakasama Niya sila sa planong ito.

          Ang ginawa ni Abram ay nagtayo ng altar na nagpapahiwatig ng pagsamba Niya at pasasalamat sa Diyos. Hindi man agad-agad na nangyari ang plano ng Diyos ay naging tapat pa rin si Abram, nagtiwala, at sumunod pa rin siya sa kalooban ng Diyos. At ating tandan mga kapatid na sa kanyang pagsunod ay mas naging malinaw ang lahat dahil nagpahayag ang Diyos sa kanya.

 

          At makalipas ang maraming taon namatay man si Abraham ay napasakamay din ng mga Israelita ang kanilang lupaing ipinangako ng Diyos sa pamumuno ni Joshua. Ang Lupaing Canaan noon ay kilala ngayon bilang Israel.

 

          Ang kwentong ito ay nangyari noon pa sa lumang tipan ngunit Hindi pa tapos ang Diyos sa buhay natin

Filipos 3:20 “Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas.

 

          Ang pagtawag ng Panginoon sa atin ay hindi natatapos. Ang mga nagtitiwala sa kanya ay palaging nanaisin na matupad ang kalooban ng Diyos.

 

Efeso 2:10 10 Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.

 

Mateo 28: 19-20 19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

 

Mateo 22:37-39

 37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

 

Kapag tumawag ang Diyos, mayroon siyang plano.

Kapag tumawag ang Diyos, siya ay makakasama mo at magbibigay ng lahat ng kailangan mo. 

Kapag tumwag ang Diyos, mayroon pagtugon, pagsunod at pagpapahayag.

 

Tumatawag ang ating Diyos.

Kaya naman….

Kapag tumawag ang Diyos, kabataang nagsasabing si Kristo higit sa lahat, ano ang gagawin mo?

 

 

Ito po ang mensahe ng Diyos, Amen.


Comments

Other Stations

Cultural Diversity and Inclusiveness: HMC Student Deaconesses and Home Missioners and their Dormitory Life and Training

  “We might appear as opposites, but we are not opposed. We might appear to be different, but we are not separate”. This remark by author and poet Brian Thompson aptly captures our lives as Harris Memorial College students. We come from different parts of the Philippines, grew up in various cultures, and are now striving to live together in a dormitory while studying. But is it really possible to live together amidst differences while carrying the culture that we grew up with?                           Most students are to be deaconesses and home missioners. They are lay people who have had professional training and have been moved by the Holy Spirit to dedicate their life to serving others in a way that reflects Christ under the direction of the church (Paragraph 1913. 2, United Methodist Church Book of Discipline). Future deaconesses and home missionaries are ...

In this Life, Friendship Matters

Proverbs 18:24 NIV "One who has unreliable friends soon comes to ruin, but there is a friend who sticks closer than a brother"      Trust is one of the things we give to our friends. In fact, it is the foundation of every relationship. Our trusted friend/s is/are always there for us. They always listen, always understand, always encourage, always care, and always love. "Mere presence is a support". In friendship, you always have each other's back. It is a mutual relationship. The experiences you had with your friends, good or bad, made your bond/s stronger. Whenever and wherever I have faith that friendship grounded in trust is a rock-solid friendship.

Maging Kaibigan ng Diyos

Santiago 4:4  "Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos." Ano ba ang taglay Ng sanlibutan? 1 Juan 2:16-17 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. Ano naman Ang Buhay na Kasama Ang Diyos? Colosas 3:12-17 12 Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmam...