Skip to main content

Laity Sunday- Panatlihin at Ingatan ang Ipinagkatiwala ng Diyos (Ang Mabuting Balita)

 Theme: Laity Sunday 2024: Rise Up! And Retain the Spirit’s Good and Beautiful Things

Scripture: 2 Timothy 1:8-14

 

Kaya't huwag kang mahihiyang magpatotoo para sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikakahiya, na isang bilanggo alang-alang sa kanya. Sa halip, makihati ka sa pagtitiis para sa Magandang Balita. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin para sa isang banal na gawain. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin, kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob. Sa simula pa, ito ay ibinigay na niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus, 10 ngunit ito'y nahayag na ngayon, nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ang kapangyarihan ng kamatayan at inihayag ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.

11 Para sa Magandang Balitang ito, ako'y itinalagang mangangaral, apostol at guro, 12 at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.[a] 13 Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo, at manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 14 Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo.

 

Introduction

- Intro about Laity according to UMC the Book of Discipline 2016.

                Mission and Ministry of the Church Section 2 The Ministry of all Christians

¶ 127.The Ministry of the Laity—The ministry of the laity flows from a commitment to Christ’s outreaching love. Lay members of The United Methodist Church are, by history and calling, active advocates of the gospel of Jesus Christ. Every layperson is called to carry out the Great Commission (Matthew 28:18-20); every layperson is called to be missional. The witness of the laity, their Christ-like examples of everyday living as well as the sharing of their own faith experiences of the gospel, is the primary evangelistic ministry through which all people will come to know Christ and The United Methodist Church will fulfill its mission.

 

-Misyon at Ministeryo ng Simbahan Seksyon 2 Ang Ministeryo ng lahat ng Kristiyano

¶ 127.Ang Ministeryo ng Laiko—Ang ministeryo ng mga layko ay dumadaloy mula sa isang pangako sa pag-ibig ni Kristo na umaakay. Ang mga laykong miyembro ng The United Methodist Church ay, sa pamamagitan ng kasaysayan at pagtawag, aktibong tagapagtaguyod ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ang bawat layko ay tinawag upang isagawa ang Dakilang Utos (Mateo 28:18-20); ang bawat layko ay tinatawag na maging misyonero. Ang saksi ng mga layko, ang kanilang tulad-Kristong mga halimbawa ng pang-araw-araw na pamumuhay gayundin ang pagbabahagi ng kanilang sariling mga karanasan sa pananampalataya ng ebanghelyo, ay ang pangunahing pang-ebanghelyo na ministeryo kung saan ang lahat ng tao ay makikilala si Kristo at ang United Methodist Church ay magaganap nito misyon.

 

-Batay sa UMC Book of Discipline 2016, ay nakabilang ang mga deaconesses sa mga Layko.

 


-Quick Background/ Summary of the text

            Ang binasang teksto ay sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo. Na kung saan ito ay punong-puno ng paalala na huwag mahihiyang magpatotoo para sa Panginoon at ingatan ang pananampalatayang naka angkla sa Mabuting Balita sa ating Panginoong Jesus-Cristo. Kung maiuugnay natin ang ipinagdiriwang natin ngayon na Laity Sunday sa ating Scripture. Makikita at mauunawan natin ang mga buhay na nagtiis para ma-ipangaral ang Mabuting Balita at Higit sa lahat ang matupad ang Kalooban ng Diyos para sa buhay na ipangako sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

 

 

-Question: Paano ba natin mapapanatili at ingatan ang ipinagkatiwala ng Diyos?

 



Body


-P1 Alamin at isapuso ang Mabuting Balita.

 

1 Corinto 15:1-4

15 Mga kapatid, ngayo'y ipinapaalala ko sa inyo ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang Magandang Balitang inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. Naliligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; maliban na lamang kung walang kabuluhan ang inyong pagsampalataya.

Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan;

 

-Ang pag-ibig ng Diyos na naisakatuparan sa paglilitas ng ating Panginoong Jesus para sa buhay na walang hanggan ay ang Mabuting Balita na ating kailangan itamin sa puso at isipan.

 

-Ang Mabuting Balitang ito ang muling ipinaalala ni Pablo kay Timoteo.  Kahit pa nagdaanas si Pablo ng hirap at pagtitiis at nakulong para sa pagpapatotoo sa paglilitas ni Jesus ay hindi siya tumigil at hindi niya ikinahiya ang mga dinanas niya.

 

-Ipinaparating din ni Apostol Pablo sa kanyang sulat na dahil sa Magandang Balita na kanyang tinanggap mula sa Diyos ay tinawag din siya sa isang banal na gawain. Bagama’t noong una, isa si Pablo sa umuusig sa Diyos o laban sa mga tagapangaral ng Salitakin. Nangyaring kinatagpo siya ng ating Panginoon sa daan sa Damascus at doon ay tinanggap niya ang Mabuting Balita at nakiisa sa pagtitiis para sa Mabuting Balita.

 

-Sapagkat ang Mabuting Balita ay kalooban ng Diyos. Ang pagliligtas ay layunin at ayon sa Kanyang biyaya at hindi dahil sa ating mga gawa.

 

-Ang Mabuting Balita na mula sa Diyos ay may layuning pang walang hanggan. Nais Niya na makasama ang tao sa Kanyang kaharian sa langit ngunit ang katotohanan ay ang Mabuting Balita ay maaring tanggapin o balewalain ng sangakatauhan.

 


-P2  Isabuhay ang Mabuting Balita- Ang tawag sa banal na pamumuhay para sa banal na gawain (A call to a conseacrated life)

 

-Ang Mabuting Balita o ang Paglilitas ng Diyos ay tawag para mamuhay ang bawat isa ng may kabanalan. Ang pagliligtas sa sangkatuhan ay may kasunod na pamumuhay ng katulad ni Jesus Cristo. At ang sinabi ni Jesus at kanyang bilin ay “ang mahalin ang Diyos ng buon puso, kaluluwa, at pag-iisip at ang mahalin ng ating kapwa (Matthew 22:37-39)’’. Kaya naman noon nakaraang linggo sa ating sermon ay nagawa ng mayamang binata ang lahat ng kautusan at iyon ay ang pag-ibig niya sa Diyos at nakaligtaan naman niya nag pag-ibig sa kapwa nang hindi niya pa napamamahagi ang kanyang kayamanan sa mahihirap.

 

-Ang sabi ni apostol Pablo sa v9 “ na nagligtas at tumawag sa atin para sa isang banal na gawain.”

11 Para sa Magandang Balitang ito, ako'y itinalagang mangangaral, apostol at guro, 

 

-Ang pagtawag sa banal na gawain, a sacred task, calling, o ministry ay bunga ng Mabuting Balitang ating natanggap. Kaya naman katulad ni Apostol Pablo siya’y nangaral, si Timoteo nagpatuloy sa pananampalataya at naging saksi at patotoo at ganoon din ang mga ibang disipulo. 

            Sa panahon natin ngayon ay pinangungunahan tayo ng ating mga manggagawa sa simbahan: ang mga pastor, diyakonesa, at mga layko at iba pang manggagawa ng simbahan sa iba’t ibang denominasyon. Lahat ay para sa pagtitiis at pagpapahayag ng Mabuting Balita na ipinagkaloob at ayun sa layunin at biyaya ng ating Diyos. 

 

 

-Ang pagpapahayayag ng Mabuting Balita ay hindi ikinahihiya sapagkat ang ipinapahayag ay may kasiguraduhan at tiyak.

“12 at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.”

 

-Natitiyak natin kung sino ang pinagkakatiwalan natin ang nagkaloob ng Mabuting Balita simula pa noong una. Hindi sa tao ang ating pananampalataya, kundi sa Diyos na siyang lumikha ng lahat sa buhay at pagliligtas sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

 

Isaias 55:8-9

8Ang sabi ni Yahweh,“Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan,
  ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.
Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa,
    ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan,
    at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.

 

-Siya ang ating Diyos at sa Kanya ang ating pananampalataya.

 

-P3 Humayo’t Ihayag ang Mabuting Balita sa tulong ng Espiritu Santo.

 

“13 Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo, at manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 14 Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo.”

 

-Ang panghuling kaparaanan sa pagpapanatili at pag-iingat sa pananampalataya na ating tinanggap ay ang humayo at ihayag ang  Mabuting Balita.

 

Ito ang verse na patungkol sa the Great Commission

Mateo 28:19-20

19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

 

-Ating pakatatandaan ang lahat ng ito ay para matupad ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan- Ang Mabuting Balita- ang pagliligtas.

1 Corinto 3:5-8

Sino ba si Apolos at sino si Pablo? Kami'y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananampalataya kay Cristo. Ginawa lamang ng bawat isa sa amin ang tungkuling ibinigay ng Panginoon. Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago. Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap.


 

Conclusion

Ang pag-iingat at pagpapanatili ng Mabuting Balita ay sa pamamgitan ng

 (1) Pagkaalam at pasasapuso

(2) Pagsasabuhay ng Mabuting Balita (Ang buhay na banal tulad ni Kristo para sa banal na gawain)

(3) Humayo’t ihayag

 

 

-Sa pagdiriwang ng Laity Sunday ipinapaalala na tayong lahat na tumanggap ng Mabuting Balita ay kabahagi at may pananagutan sa ministeryo ng lahat ng Kristiyano. Na tayo ay hahayo at magpapatoo at makibahagi sa paghihirap alang-alang sa Mabuting Balita – ang paglilitas na ating tinanggap.

 

Ang ating panalangin ay

14 Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo.”

 

Ito po ang salita ng Diyos para sa mga anak ng Diyos. Amen.




October 15, 2024- Sermon on October 20, 2024, at Imbo United Methodist Church

References: The Interpreter’s Bible, The United Methodist Church Book of Discipline 2016


Comments

Other Stations

Gaano ka katagal naghintay ?

                                                                                    2-4-21 (Pila para sa National I.D.) Pamilyar tayo sa kasabihan na "kapag may tiyaga, may nilaga" . Nasubukan mo na bang maghintay? Gaano katagal? Ako, base sa aking karanasan maraming paghihintay ang naranasan ko. Paghihintay tuwing may meeting, kapag may pupuntahan, at marami pang iba. Pero ang matinding paghihihtay na naransan ko ay ang maghintay sa pila- sa lahat ng pwedeng pilahan. Naalala ko tuloy noong nag-apply ako ng scholarship sa CHED (Commission on Higher Education) sa may Quezon City. Sobrang dami kong kasabayan na mga estudyante, simula ground floor paitaas ang pila  hangang 3rd floor sa pagkakaalala ko.  Gayun pa man, ang pagtiyatiyaga...

Mark 1:14-20: The Beginning of the Galilean Ministry

  Morning Devotion January 20, 2024 Biblical Reference Mark 1:14-20   ·          In what season of life are you right now? What have you been doing? ·          If someone intervenes to you while you are doing something or you are in such a season of your life, would lend your ear and pay attention?   Read Mark 1:14-20 In the passage that we read, there is a place called Galilee where Jesus went and proclaimed the good news of God, for the time was fulfilled and there is a need to repent and believe in the good news for the Kingdom of God is near. What do you think are the Galileans doing when Jesus was proclaiming? The Galileans are doing their daily routine and their lifestyles and livelihoods. For example, fishing. In verse 16 says, “Jesus passed along the Sea of Galilee, he saw Simon and his brother casting a net into the sea- for they were fishermen.” What is the releva...

"Oo" o "Hindi"

Mateo 5:37 Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.” Ang bawat salita na ating binibitawan ay mahalaga. Dahil Ang mga salitang ito ay maaring makapagbigay ng kaliwanagan o magbigay Ng kalituhan. Dapat na maging malinaw at maingat Tayo sa ating sinasabi upang maiwasan ang Hindi pagkakaintindihan. Pinapaalala din sa atin Ng Bibiliya na huwag mangyari na pagpupuri at panlalait Ang manggaling sa bibig (James 3:10). Nais Ng Diyos na dumaloy sa atin Ang ISANG malinaw na Tubig: Ang mga salitang pawang pagpupuri, nakapagpapalakas Ng loob, puno ng pag-asa, kapakumbabaan at karunungan na nagmumula sa Diyos. Panginoon, tulungan Mo Po kami na pakaingatan Ang aming mga salita na mangagagaling sa aming bibig. Sa pangalan ni Jesus Amen.