Inihanda ni:
Dss. Jesemae Gael O. Gale
Biblical References: Acts 1 and Acts 2
Petsa ng paguslat:
November 20, 2024
Children’s Rally
2024|Morning Devotion-Storytelling
Ang Buhay bilang Disipulo ni Jesus
Matagal na
panahon na ang lumipas nang may isang taong isinilang sa katauhan ng Birheng
Maria sa pagkilos ng Espiritu ng Diyos. At ang pangalan niya ay Si Jesus. Si
Jesus ay naparito sa mundo upang gawain ang kalooban ng Diyos sa langit at ito
ang pagliligtas sa lahat ng tao mula sa kanilang kasalanan. Habang si Jesus ay
nandito sa mundo, siya ay nagturo ng salita ng Diyos, nagpagaling, nagpakain at
marami pang iba. Marami rin ang naninwala sa kanya at sumunod sa kanya. Ang mga
tagasunod ni Jesus ay tintawag na disipulo. Sila ang mga kasama ni Jesus sa
bawat gawain upang maipadama sa lahat ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit mayroon din
naming mga tao noon na hindi naniwala kay Jesus.
Gayun pa man,
ay dumating ang araw na matutupad ang pagliligtas ng Diyos. Si Jesus, kahit
walang kasalanan at gumagawa ng mabuti, ay hinuli, pinarusahan, ipinako sa
krus, at inilibing.
Takot na
takot ang mga disipulo ni Jesus ng mga araw na iyon dahil nawala ang pag-asa
nila na si Jesus. Ngunit ang hindi nila agad nalaman ay nabuhay na muli si
Jesus matapos ng tatlong araw sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Nagpakita si
Jesus sa kaniyang mga alagad at napatunayan na siya nga ay tunay na nabuhay.
Bago umakyat si Jesus sa langit ay kinausap niya ang kanyang mga disipulo at
nagbilin siya sa kaniyang mga alagad na hintayin nila ang ipinangko ng Diyos. Ito
ay ang Banal na Espiritu na sasama sa kanila upang mapagpatuloy nila ang mga
sinimulang gawain ni Jesus at magpatotoo patungkol sa kaniya.
Dumating sa
buhay ng mga disipulo ang pangakong Banal na Espiritu ng Diyos at sila ay
humayo at inihayag ang patungkol kay Jesus, ang pagtalikod sa kasalanan at ang
pagtanggap kay Jesus. Maraming ang naniwala sa kanila at dumadag para maging
alagad ni Jesus. Sa araw na iyon ay mayroong tatlong libong katao. At ang ginagawa
nila ay sama-sama silang nag-aral ng salita ng Diyos, kumain, at nanalangin.
Ang lahat ng
naniniwala kay Jesus ay nagsama-sama at lahat nang mayroon sila ay para sa
lahat. At ipinagbili rin nila ang mga
ibang ari-arian para ibahagi sa mga nangangailangan. Patuloy silang
nagsama-sama bilang mga naniniwala sa Diyos, sila ay masayang nagsamasama sa
tahanan ng Diyos, nagbibigayan, at nagpupuri sa Diyos. At bawat araw ay
nadaragdagan ang taong nagsisi sa kanilang kasalanan, tinatanggap si Jesus at
naligtas.
Sa kwentong
ito ay makikita natin ang Pag-ibig ng Diyos, ang mga gawain ni Jesus, at kung
paano namuhay ang lahat ng taong naniniwala kay Jesus. Itinuturo sa atin ngayon
na mahalaga na tayo bilang naniniwala kay Jesus ay magsama-sama, masaya,
nagbibigayan, nagtutulungan, nanalanagin, nagpupuri sa Diyos at higit sa lahat
ay nagmamahalan.
Comments
Post a Comment