Skip to main content

Ang Buhay

Napapaisip ako sa takbo ng mundo

Ni minsan hindi ito tumigil

Natural ang pag-ikot nito

Kaya naman ang mga tao tumatakbo din


Ang tao nagpapatuloy kahit napapagod

Dahil sa buhay na ito ay may itataguyod

Nasaksihan ko ang karanasan ng maraming tao

Lahat ay may natatanging kwento


Sumapit ang panahon na kailangang huminto

Hindi para sumuko kundi mayroong napagtanto

“Sana nama’y may kabuluhan lahat ng ito”

Napatingin ako sa taas at humingi ng saklolo.

-JGOG 

Comments