Skip to main content

SERMON| Together in Faith, United in Love

 

SERMON|NaCaToBo Cluster| LOVE FELLOWSHIP

February 2, 2025                

Venue: Caniogan United Methodist Church, Anda, Pangasinan

Prepared by: Dss. Jesemae Gale

Theme: “Together in Faith, United in Love”

Scripture: Colosas 3:14 Magandang Balita Biblia

14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.

 

                                      

Pump Question:

Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. (1 Corinto 13:2)

 

Kapag narinig or nabasa ninyo ang salita LOVE o pag-ibig ano ang una ninyong naiisip?

 

 

Basahin ang Colosas 3:14 “At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.”

 

Ano kaya itong pag-ibig o pagmamahalan na dapat nating taglayin bilang mga Kristiyano?

 

PANIMULA (Buod ng Colosas 3:1-13)

 

Sa mga unang verses ng Colosas 3, ipinapaalala sa sulat ni Apostol Pablo ang bagong buhay kay Kristo. Pinapaalala doon ang buhay na nakatuon kay Kristo at sa mga makalangit na pag-iisip, pagbabago ng  mga dating pag-uugali at papalitan ng tulad-Kristong mga katangian. Nabanggit doon ang ibat’ ibang katangian tulad ng maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis, magpasensiya at mapagpatwad. At dinagdag niya sa huli na siyang nakahihigit sa lahat ay ang pagmamahalan na nagbubuklod sa lahat.

 

Kaya naman pagbulayan natin ang pag-ibig na dapat nating taglayin bilang mga sumasampalataya kay Kristo?

 

GITNA/KATAWAN

 

(1) Ang Diyos ay pag-ibig. Sinasabi sa 1 Juan 4:7-8  “7Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.”

 

Ang ating Diyos (Si Kristo Higit Sa Lahat UMYFP motto) ay nakakahihigit sa lahat. Ang Diyos ay pag-ibig na nabubuklod sa lahat upang magkaisa. Ito ay kaalaman para sa lahat ng tao at binibigyang diin ng Diyos na dapat taglayin ng isang sumasampalataya kay Kristo.

 

Sinasabi sa 1 Juan 4:9  Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya.

 

Ang pag-ibig na ito ng Diyos ay kinikilalang “Agape” salitang Griyego na ibig-sabihin ay hindi makasariling (Selfless) at laging nagbibigay ng walang kapalit (unconditional love).

 

Dahil kay Jesu-Kristo tayo ay nasa Diyos at kumikilos sa atin ang Banal na Espiritu. Unang nabanggit sa kasulatan sa Galacia 5:22 na ang pag-ibig ay bunga ng Banal na Espiritu.

                                                                                                                                                           

Ano ang hamon sa atin ng pag-ibig na ito?

 

(2) Magmahalan dahil sa Dakilang Pag-ibig ng Diyos. Sinasabi sa 1 Juan 4:19, “19 Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.”

 

At sinasabi din sa 1 Juan 4:12 , “12 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nagmamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.”

 

Ganito rin ang bilin ni Jesus sa kaniyang mga alagad. 34 “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. 35 Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko (Juan 13:34-35).”

 

Ang pag-iibigan ng mga mananampalataya ay tanda ng tunay na pagiging Kristiyano.

 

Sinsasabi sa 1 Juan 4:20-21,

 

“20 Ang nagsasabing, “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? 21 Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.”

 

(3) Umibig tulad ng kay Jesu- Kristo. Sinasabi sa 1 Juan 3:18, “18 Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.”

 

 

 

Ang ministeryo ng ating Panginoon Jesus ay napapaloob sa pagpapagaling ng may sakit, pagpapakain, pagtuturo at pagpapahayag ng Salita ng Diyos, at higit sa lahat ay ang paghahandog ng kanyang buhay para mapawi ang kasalanan natin (mga tao) at mabigyan ng buhay na walang hanggan kasama ang Ama sa langit.

 

Ito naman ang Salita ng Diyos sa Mateo 25:37-40,

“37 Sasagot naman ang mga matuwid sa kaniya: Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain ka namin o nauhaw at binigyan ng maiinom? 38 Kailan ka namin nakitang naging taga-ibang bayan at pinatuloy ka o naging hubad at dinamitan ka namin? 39 Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at dumalaw kami sa iyo?

40 Sasagot ang hari sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.”

Ang mensaheng ito ngayon ay hamon sa ating lahat na magmahal sa pamamagitan ng mga gawa sa lahat ng tao (sa ating mga kapwa).

At higit sa lahat ang magmahalan bilang sumasampalataya kay Kristo.

Itong kaganapan noon sa pag-usbong ng mga Kristiyano sa aklat ng Mga Gawa 2:44-47 ay patunay nang pamumuhay sa “Iisang pananampalataya dahil sa pagbubuklod ng dakilang pag-ibig ng Diyos.”

“44 Nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. 46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban. 47 Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas (Mga Gawa 2:44-47).”

 

WAKAS at PAGTATAPOS

 

Nalalaman mo na ba ang pag-ibig o pagmamahalan na dapat nating taglayin bilang mga Kristiyano?

Ang Diyos ay pag-ibig, Magmahalan dahil sa Dakilang Pag-ibig ng Diyos, at Umibig tulad ng kay Jesu- Kristo.

Ang pag-ibig ay ang Diyos na siyang nagtuturo sa ating umibig ng tulad ng kay Jesu-Kristo nang sa gayon, tayo bilang sumasampalataya kay Kristo ay “Together in Faith, United in Love.”

Purihin ang Diyos ng Siyang pinagmulan ng lahat. Amen.

Comments

Other Stations

PKA 08 Hindi Para Kalugdan

  Hindi Para Kalugdan “4 Sa halip, nangangaral kami bilang mga karapat-dapat na katiwala ng Dios ng kanyang Magandang balita.Ginagawa naming ito hindi para kalugdan kami ng mga tao kundi ng Dios na siyang sumisiyasat sa mga puso naming. 5 Alam niyo rin na hindi naming kayo dinaan sa matatamis na pananalita sa pangangaral namin at hindi rin kami nangaral para samantalahin kayo. Ang Dios mismo ang saksi naming.6 Hindi namin hinangad ang papuri ninyo o sinuman.” -1 Tesalonica 2:4-6-     Noong labing anim (16) na gulang ako habang nasa araw ng pananambahan, naitanong ko sa aking sarili, “bakit kaya kaunti ang pumipili na maging church worker?” Ako ay nagtataka dahil isang mabuting gawain naman ang maglingkod sa Diyos. Nasa panahon ako noon ng pag de-desisyon kung ano ang kukunin kong programa sa kolehiyo. Maging isang Doctor, maging isang Pharmacist, o maging isang Nurse o alinmang propesyon sa larangan ng medisina ang noon ay nais kung maging pag laki ko. Ngunit b...

Reclaim, Revive, Renew

You are God and my Creator  I am yours, I am your child Through Jesus Christ my Lord and Savior, I am saved I revive my passion in mission To go and make disciples All nations are welcome To the family of God Renew my mind for you Jesus Be yours, be yours forever  A vision for generation to come Chorus I reclaim  I revive I renew my spirit in you (2x) We are your children  Abba Father HMC Spiritual Retreat, 2024

BE AUTHENTIC

Whenever I write, I always consider the language I should use. Growing up in a colonized nation (the Philippines), it is kind of hard to have the so-called “originality”. From language, culture, songs, and clothing, just to name a few, almost all of it is influenced by nations that colonized us in the past. It is confusing to know who we really are as Filipinos. But what I realized now is that I should embrace the present and always be true to what I do and speak. As long as I do not forget to speak our native language (Filipino) and keep trying to use the dialects (Ilocano and Bolinao) I grew up with, even though I am not fluent and trying hard, I believe this will smooth out in its proper time. Maybe in the long run, you will notice that my output will be written in mixed language. Speaking out on this matter helps me to be more authentic. Based on my experience, there were times when I could easily express myself in English and sometimes in Filipino. The most important thing here is...