Skip to main content

Maging Handang Lingkod ng Diyos

 



ARISE FELLOWSHIP at Tondol United Methodist Church

Theme: EQUIP

Scripture: 2 Timoteo 3:16-17; Efeso 2:10

Date Written: April 8, 2025

2 Timoteo 3:16-17

16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap(proficient) at handa (equip) sa lahat ng mabubuting gawain.

 

Efeso 2:10

10 Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.

 

 

PANIMULA:

            Ang tema ng gawain ngayon ay Equip, kaya naman agad kong kinuha ang kahulugan nito. Ang salitang “Equip” kung isasalin sa wikang Griyego (Greek) “exartizo” na ibig sabihin ay “to complete, to finish, to equip” at sa tagalog naman ay gawing ganap o handa. Noong ibinigay ang tema sa akin, agad akong napaisip at napatanong ng Equip saan, sino at paano? Kaya naman sa tulong at gabay ng ating Diyos, aalamin natin kung sino ba ang tinutukoy ng salitang Equip, para saan ang pagiging Equip at paano magiging Equip?


Basahin:

2 Timoteo 3:16-17

16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,

17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap(proficient) at handa (equip) sa lahat ng mabubuting gawain.

 

GITNA/KATAWAN

Sino ang nangangailangan na maging Equip o maging ganap at handa?

(1) Kailangan maging Equip ng mga lingkod ng Diyos.

 

Sa buhay sa mundo, mapapansin natin ang paghahanda sa iba’t ibang larangan. Paghahanda ng mga sundalo para sa kanilang mission, paghahanda ng mga estyudante para sa gusto nilang maging sa hinaharap, paghahanda ng mga mangingisda para sila ay makahuli, o kaya naman ng mga doctor para magkaroon ng maayos at matagumpay na operasyon. Katulad ng paghahanda ng mga ito, ay mayroon ding paghahanda ng espiritwal na buhay ng isang tao. Mababasa natin sa 2 Timoteo 3:17a, “upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap(proficient) at handa (equip).”  Ang mga lingkod ng Diyos ay ang mga ngangailangan ng pagiging- Equip (pagiging ganap at handa). Ang mga lingkod ng Diyos ay ang mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Sa madaling sabi kailangang maging handa ang isang Kristyano. Kailangan nating maging Equip. Equip ka na ba? Handa ka na ba?

 

Bakit kailangan kong maging Equip, at para saan?

(2) Ang lingkod ng Diyos ay inaasahang maging ganap at handa para sa lahat ng mabubuting gawain.

 

Sinsasabi muli sa 2 Timoteo 3:17, “upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap(proficient) at handa (equip) sa lahat ng mabubuting gawain.” Ang mabubuting gawain na ito ay inihanda na simula pa noong una para gawain natin bilang mga nakipag-isa kay Cristo Jesus (Efeso 2:10). Kung titignan muli natin ang ibig sabihin ng mabuting gawain ito yung mga gawain na may halaga at pakinabang sa iba. Yung salitang “GOOD” sa Greek ay “AGATHOS” na may kahulugan na “useful or benefiting others.” Ngunit sinasabi naman sa kasulatan sa Marcos 10:18, “Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.” Dahil sa pakikipag-isa natin kay Jesus, tayo’y naging lingkod at anak ng Diyos, at ang Mabuti nating Diyos ay kumikilos sa ating buhay para gawin ang mabuti.

 

Kung susuriin natin ang ating buhay, itanong natin sa ating sarili, “Kaya ko bang gumawa ng mabuti araw-araw? Sapat, ganap, at handa ba akong gumawa ng lahat ng mabubuting bagay at lahat ng kalooban ng Diyos?” Kung mananahan tayo sa ating sariling kakayanan, tiyak na HINDI pero katulad ng sinasabi ni Apostol Pablo sa Filipos 4:13, “Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.”  Sa Biyaya ng Diyos, sa pammagitan ni Jesu- Kristo at pagkilos ng Banal na Espiritu, magagawa natin ang mabubuting gawaing nais ng Diyos para sa atin.

 

Ang pagiging Equip para sa gawain ng Diyos ay isang proseso. Paano nagiging totoo na sa Biyaya ng Diyos, tayo ay hinahanda para maging ganap at mabansagang Equipped?

 

(3) Ang Salitang ng Diyos ay paraan upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

 

Ang pagdinig ng Salita ng Diyos ay parte ng ating pagsamba. At madalas din nating kinakanta ang  Awit 119:105, “Thy Word is a lamp unto my feet and a light unto my path.”

 

Muli nating suriin ang ating sarili, gaano ko kadalas na gustong basahin at pagbulayan ang Salita ng Diyos? Gaano kadalas na na-aapply ko ang Salita ng Diyos sa aking buhay?

 

 Sa tekso po natin ngayon ay kasama ang 2 Timoteo 3:16 “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.”

 

Katulad ng isang manlalaro, nagsasanay siya at mayroong disiplina para maging ganap na atleta sa kaniyang larangan ay ganoon din ng buhay Kristyano na dumadaan sa proseso para maging ganap  at  magawa ang gawain ng Diyos.

 

At makakatulong ang Kasulatan, ang Salita ng Diyo, sa pagiging equip (ganap at handa) ng lingkod ng Diyos dahil:

(a) Ito ay pakinabang sa paguturo ng katotohanan. Ito ay may pakinabang dahil ang Salita ng Diyos ay nagtuturo ng daanan papunta sa Ama sa langit at kung anong ang dapat paniwalaan at paano kumilos ang mga anak Diyos.

 

(b) Taglay ng salita ng Diyos ang pagsaway sa kamalian. Ang pagiging Equip para sa gawain ng Diyos ay hindi nangangahulugan na wala ng mali, ibig sabihin lamang nito na tayo’y ay dumadaan sa biyaya ng Diyos upang tayo ay maituwid sa ating pagkakamali ng sa gayon ay ganap na magawa ang kalooban ng Diyos. Mauuawan natin na tayo ay nagkamali at tayo’y magisisi at nanaisin natin ang lumakad ng matuwid kasama si Jesus.

 

(c) Ang Salita ng Diyos ay nagtutuwid sa likong gawain. Minsan, kahit nandoon na tayo sa paggawa ng gawain ng Diyos nalilihis tayo ng layunin pero sa tulong ng salita ng Diyos ipinapaalala sa ating kung ano ang Tunay na layunin at lahat ng iyon ay para sa lamang sa kapurihan ng Diyos.

 

(d) At sa huli, ang Salita ng Diyos ay para sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay. Ang pagsasanay para maging matuwid, ang maging equip para sa gawain ng Diyos ay nangangailangan ng panahon. Kaya’t araw-araw at paulit-ulit na kailangan natin nag Salita ng Diyos upang ito ay manahan sa ating puso at maisabuhay.

 

 

PAGTATAPOS
Ibinigay ng ating Diyos ang Kanyang Salita sa ating na Kanyang mga anak upang tayo’y maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos nakikilala natin Siya at pinapaalam Niya ang Kanyang kalooban kung ano ang dapat natin gawain sa buhay na ito.

 

Kaya ang hamon ng Ating Panginoon sa ating lahat sa pagiging Equip ay mula sa

 

Lucas 6:46

46 “Bakit ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko?

 

 

 

 

 

 

 Reference:

2 Timothy 3:16-17 commentary. (2022, November 18). Welcome | Precept Austin. https://www.preceptaustin.org/2_timothy_316-17#3:17

Comments

Other Stations

Cultural Diversity and Inclusiveness: HMC Student Deaconesses and Home Missioners and their Dormitory Life and Training

  “We might appear as opposites, but we are not opposed. We might appear to be different, but we are not separate”. This remark by author and poet Brian Thompson aptly captures our lives as Harris Memorial College students. We come from different parts of the Philippines, grew up in various cultures, and are now striving to live together in a dormitory while studying. But is it really possible to live together amidst differences while carrying the culture that we grew up with?                           Most students are to be deaconesses and home missioners. They are lay people who have had professional training and have been moved by the Holy Spirit to dedicate their life to serving others in a way that reflects Christ under the direction of the church (Paragraph 1913. 2, United Methodist Church Book of Discipline). Future deaconesses and home missionaries are ...

In this Life, Friendship Matters

Proverbs 18:24 NIV "One who has unreliable friends soon comes to ruin, but there is a friend who sticks closer than a brother"      Trust is one of the things we give to our friends. In fact, it is the foundation of every relationship. Our trusted friend/s is/are always there for us. They always listen, always understand, always encourage, always care, and always love. "Mere presence is a support". In friendship, you always have each other's back. It is a mutual relationship. The experiences you had with your friends, good or bad, made your bond/s stronger. Whenever and wherever I have faith that friendship grounded in trust is a rock-solid friendship.

Christmas Sermon

    Luke 2:8-20 The Shepherds and the Angels             “Joy to the world, the Lord is come!   Let earth receive her King! Let every heart prepare Him room and heaven and nature sing, and heaven and nature sing, and heaven, and heaven and nature sing”. This song was written in 1719 by Isaac Watts, but the message of the song happened more than 2000 years ago. The Christmas season comes every year. But, due to its annual celebration, can you still sing Joy to the World like you never sung it before or can you still continue to prepare your heart and keep singing this joyful song of praise? Luke 2:8-20 made us see how good news was revealed to the Shepherds by the Angel and how the Angels and the Shepherds received this news. Joy to the World ,  the Lord is Come.   The shepherds received a message from an angel. At first, the shepherds were terrified because the glory of the Lord shone around them...