INILIGTAS!
“Ilayo nʼyo ako
sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.
-Mga Awit 31:4-
Ang
Diyos ang nagligtas kay haring David sa oras ng kanyang pagkabalisa at mga
problema. Madalas na hinahanapan ng tao ng solusyon ang kanyang problema. At
ang mga problemang ito ay maaaring nakapaloob sa mga aspeto ng buhay: pisikal,
pinansyal, mental, emosyonal, sosyal, esprituwal, at sekswal. Ang mga
problemang ito ay nagsisilbing mga kaaway na maaring sumira sa tao. Sa katunayan,
kahit ano pang pagsisikap ng tao na pagtagumpayan ang mga problema niya, kung
nanahan lamang sa kanyang sariling kaisipan at lakas, siya’y mabibigo.
Si
haring David ay humingi ng tulong sa Diyos. Siya ay nagtiwala na kayang-kaya ng
Diyos na iligtas siya sa bitag ng kanyang mga kaaway. At dagdag pa dito,
iniligtas ng Diyos si haring David noong naging kaaway niya ang kanyang sarili
dahil nagpadaig siya sa tukso at sinuway ang utos ng Diyos. Alam ng Diyos ang mga pagsubok na hinakaharap
ng bawat tao sa mundo. Kaya naman, huwag mahiyang lumapit sa Kaniya, aminin ang
iyong kahinaan, at mapagkumbabang hingin ang Kanyang pagliligtas laban sa bitag
na mayroon sa mundo. At sa huli, iyong pakatandaan na ang Diyos ang matibay na
tanggulan at ililigtas ka Niya.
Comments
Post a Comment