Skip to main content

PKA- Intro

 

PANIMULA

Isang pangkaraniwang araw ang nag-udyok sa akin na muling sumulat at sa pagkakataong ito ay mas naging malinaw ang dahilan at layunin ng gawain ito. Simula noong taon 2013, tinuruan ako ng aming manggagawa sa simbahan, isang diyakonesa, na magkaroon ng personal devotion sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at pagkakaroon ng pagbubulay sa talatang nangusap sa akin. Sa pamamagitan nito, mas nakilala ko ang kadakilaan at kabutihan ng ating Diyos. At dagdag pa rito, nagkaroon ako ng interest sa pagsusulat. Mahigit isang dekada na ang lumipas ngayong taong 2025, habang ginagawa ko ang personal devotion o ang pagjojournal, nangusap ang Diyos sa akin. Naunawan ko na kahit pa sa pangkaraniwang araw, patuloy Siyang kumikilos at tumatawag sa lahat para maki-isa sa inihanda Niyang gawain para sa lahat. Sa pamamagitan ng “burning bush”, tinawag ng Diyos si Moises para matupad ang pagliligtas Niya sa mga Israelita sa Egipto (Exodos 3:1-10). Ngayon, ang natanggap kung mensahe sa Panginoon ay ang sumulat upang maipakilala ang Kanyang kabutihan at kadakilaan sa iba. Kaya naman, panalangin ko ang gabay ng Panginoon. “Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios. Kayo, Panginoong Dios ang ginagawa kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa (Salmo 73:28).”

Comments

Other Stations

PKA 02 MATUTO!

  MATUTO! “Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa bakal, ang tao nama’y matututo sa kanyang kapwa tao.” -Kawikaan 27:17-                   Nakabilang ako sa isang gawain na tinatawag na Educator’s Convocation. Ako ang pinakabata sa lahat at kakaunti ang aking kasanayan kumpara sa kanila. Silang lahat ay nasa edad na tatlumpung taon pataas at punong- punong ng kahusayan at karanasan (Mga Reverend, Master’s degree holder at Doctorate degree holder). Nakita ko ang aking sariling na munting bata ngunit hindi nila ito pinaramdam sa akin.                   Isang bagay ang tinuro sa akin ng Panginoon sa oras na iyon, ito ay ang kahalagaan ng pakikinig. Ang mga taong ito na aking nakasalamuha, ay mga lider ng bawat institusyon at simbahan na aking kinabibilangan. Sa aking pakikinig, ako ay natuto.   Nalaman at nau...