NACATOBO UMYFP (Youth) Night 2026
At
Namagbagan United Methodist Churxh
January
25, 2026
WRITTEN
BY Dss. Jesemae Gael O. Gale
Date:
January 21, 2026
Theme: UPGRADE
Scripture: Ephesians 4:24
(NRSV) 24 and to clothe yourselve
s with the new self, created according to the likeness
of God in true righteousness and holiness.
(ESV)24 and to put on the new self, created after the
likeness of God in true righteousness and holiness.
(MBB) 24 at ang dapat ninyong
isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Ang tema ng pagdiriwang ng UMYFP Sunday ay “Upgrade”. Nang
sinubukan kong humanap ng pinakamainam na “translation” ang aking napili ay
“mapabuti” o “pabutihin”. Ang salitang “Upgrade
“ay isang digital term na kung saan ginawa natin sa ating mga “digital devices”
para mas gumanda at maging maayos ang paggamit natin dito. Kung ihahalintulad
natin ito sa buhay natin bilang isang Kristiyano, ano ba ang dapat nating
i-upgrade, isaayos, o pabutihin?
Ang temang “Upgrade” ay kabilang sa mga ginamit na term noong
Christmas Institute 2025 Banyuhay- Ang Bagong Anyo ng Buhay. Mula sa Start Up,
Uninstall, Install, at Upgrade.
Ang teksto na ating gagamitin ay mula sa Efeso 4:24 na
sinasabi “at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang
kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa
katotohanan.”
Ang Aklat ng Efeso kabanata apat (4), ay nagpapaalala sa atin
ng bagong buhay kay Cristo. Ano ba ang bunga ng pagtanggap natin kay Jesus
bilang ating Tagapaligtas? Ano-ano ba ang nais ng Diyos sa ating buhay? Paano
ba dapat tayong mamuhay bilang Kristiyano?
I-upgrade ang iyong PAG-IISIP. Itanim mo sa iyong
isip na ikaw na ay mayroong bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos
dahil sa pagtanggap mo sa kaligtasan mula Kay Jesu-Kristo. Noong una pa lamang sa pagkalikha ng tao,
sinabi na ang tao ay nilikha sa larawan ng Diyos (Gen. 1:27). Ngunit dahil
dumating ang kasalanan nabaling ang pag-iisip ng tao mula sa Katoohanang mula
sa Diyos at nalayo sa kalooban Niya. Gayon pa man, dahil sa Kanyang pag-ibig sa
sanlibutan, niligtas ang lahat sa pamamagitan ni Jesu-Kristo at sa pamamagitan Niya
muli tayong naibalik sa piling ng Diyos at muling ibinigay ang katotohanang
tayo’y ay nilikhang kalarawan ng Diyos.
Sa mga naunang verses sa Efeso 4:20-23, ipanapaalala na may
mga turo at aral si Jesu-Kristo na itinuro sa lahat. Napakinggan at natutunan
na raw natin ito kaya dapat na nating iwanan ang dating pamumuhay at magbago na
ng pag-iisip. Ano ba ang dapat nating
isaisip? Ano ba ang lamang ngayon ng iyong isip?
Colosas 3:2-3
2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo,
hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong
buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo.
Filipos 4:8-9
8 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong
isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo,
marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo
ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon,
sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Roma 12:2
2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa
halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan
ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti,
kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.
Nakakalungkot isipin, na kahit gaano kabuhay at
totoo ang Salita ng Diyos, kaunti ang sumusunod dito. Siyasatin natin o i-assess
ang ating sarili at itanong na gaano ko kadalas piliin na araw-araw mag-upgrade
para sa Panginoon at sumunod sa Kanya?
I-upgrade ang iyong PAMUMUHAY. Mula sa ating teksto sa Efeso 4:24… ang bagong pagkatao kay
Cristo ay nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Kumusta ang iyong buong araw? Ano ang iyong pinagkaka-abalahan sa 24 hrs. na
ibinibigay sa iyo ng Diyos? Namumuhay ka ba ng matuwid, banal, at ayon sa
kalooban ng Niya?
Mayroong idea na lumlabas sa internet na “it takes 21 days to
build a habit, 90 days to build a new lifestyle, and three (3) months to change
life essentially.”
Ngunit mula sa research naman, wala daw ‘specific number of
days’ kundi ito ay nakadepende sa ugali o gawi ng isang tao. At ‘CONSISTENCY IS
THE KEY’ ang hindi pabago-bago o pagtuloy tuloy sa gawain ang siyang
nagpapanatili nito.
Sa madaling sabi, ang pag-upgrade at pag-sasaayos ng ating
buhay ay hindi pang-overnight lang kundi ito ay isang pang araw-araw na proseso
hanggang sa makamit natin yung tunay na pagbabago.
Kaya pinalalakas ni Jesus ang ating loob sa pamamagitan ng,
Mateo 16:24
24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad,
“Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili,
pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.
Araw-araw ay hamon sa ating na sumunod sa kalooban ng Diyos.
Ang pagsunod Kay Jesus ay katunayan na tayo ay talagang Kristiyano at alagad
niya.
Sa mga sumusunod na
verses sa Efeso 4:25-32, nababanggit doon ang dating mga pag-uugali na
napapalitan na ng ugaling kalawaran ng Diyos. Katulad ng mga sama ng loob,
galit at mga masasamang gawain na napalitan na ng pag-ibig, awa, at pagpapatawad
katulad ng itinituro ni Jesus.
Kung dati ay hindi tayo naglalaan ng oras sa pananalangin at
pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, ngayon ay maaari na tayong
mag-upgrade na manalangin at magkaroon ng personal na oras sa Panginoon at
magbasa at mag-aral ng Kanyang Salita.
At sa pamamagitan nito malalaman natin kung ano ang kalooban niya sa
atin at kung ano ang nais Niyang gawin natin sa pamilya at church na ating
kinabibilangan, sa school, sa work at sa kung saan man Niya tayo dalhin upang maging
daluyan ng Kanyang pag-ibig at pag-papala.
Mimamahal kong mga kapatid sa pananamapalataya, ang
pag-UPGRADE ay isang proseso na kailangan ng kaisapang katulad ng kay
Jesu-Kristo, nangagailangan ng pagtiyatiyaga na sumunod sa kalooban ng Diyos at
pananampalataya na ikaw ay babaguhin ng Diyos. Dahil tanging Siya lamang ang
makakapagpapabuti, makakapag-aayos, at makapag a-upgrade ng iyong buhay.
Kung ikaw, ay nagnanais na mag-upgrade sa iyong buhay
Kristiyano, samahaan mo ako sa pagbigkas ng panalangin na ito.
Panginoon Jesus na aking Panginoon at Tagapagligtas, hinihingi
ko po ang Iyong gabay sa aking buhay upang malaman ko ang iyong kagustuhan para
sa akin at nang magawa ko ito para sa iyong ikararangal. Panalangin ko po na
ako ay turuan Mong magtiwala sa Iyo at sumunod sa diwa ng pananalangin,
pag-aaral ng Iyong Salita at pagsasagawa nito. Gawin Mo po akong pagpapala sa
maraming tao. Amen.
Comments
Post a Comment