Skip to main content

ANG PAGHAHANDA

 

WAKE SERVICE: Biblical Medidation

Date Written: March 16, 2026

 

Biblical References: Lucas 23:39-43; Mangagaral 3:1-2a; Pahayag 21:1-4; Roma 3:23; Roma 6:23; Juan 3:16, Juan 14:1-7

 

Lucas 23:39-43

Ang Salita ng Diyos

39 Nilait siya ng isa sa mga salarin na nakapako sa krus at sinabi: Kung ikaw ang Mesiyas, iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Sumagot ang isa at sinaway siya na sinabi: Hindi ka ba natatakot sa Diyos na ikaw ay nasa gayunding kaparusahan? 41 Tunay na ang kaparusahan sa atin ay matuwid sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating ginawa. Ngunit ang lalaking ito ay walang nagawang anumang pagkakamali.

42 Sinabi niya kay Jesus: Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay nasa paghahari mo na.

43 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.

 

PANIMULA

Ang teksto na aking binasa mula Biblia ay patungkol panahon ng si Jesus ay ipinako sa Krus kasama ng dalawang kriminal.  Magkaiba ang naging pagkilala nila kay Jesus.

Ang isa ay may paghamon sa katotoohanan patungkol sa katangian ni Jesus. At ang isa naman at kinilala si Jesus bilang Mesias ang Tagapagligtas.

Nagkaroon ng paguusap ang ang mga kriminal at si Jesus habang sila ay nakapako sa krus at papunta na sa kamatayan.

Sa puntong ito, tayo naman ay naririto sa isang yugto ng buhay- “ang oras ng kamatayan” na ngayon ay nararansan ni ____________________.

Mula sa Kasulatan sa Mangangaral 3:1-2a

May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo:May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan;”

Kaya naman hindi lamang ito oras ng pagluha at pagluluksa ngunit ito rin ay oras para sating lahat ng paghahanda sa oras ng kamatayan. Sapagkat hindi maaakila na ang lahat ng tao ay mararanasan ang ganitong sitwasyon.

Ano paghahanda ang nararapat gawin? Ano ang naging aksyon ng mga kasama ni Jesus na napako sa Krus habang sila ay nasa bingid ng kamatayan.

 

KATAWAN

Ø  “Pag-amin at pagsisisi sa nagawang kasalanan.”

41 Tunay na ang kaparusahan sa atin ay matuwid sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating ginawa.

 

23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. (ROMA 6:23)

 

Ang isang kriminal na kasama ni Jesus na nakapako sa krus ay kinilala niya na karapatdapat lamang sa kanya ang kaparusahang kamatayan dahil sa nagawa niyang kasalanan.

 

Ang “Pag-amin at pagsisisi sa nagawang kasalanan ay hindi lamang para sa kriminal na nakasama ni Jesus ngunit ito ay para sa ating lahat sapagkat sinasabi sa Roma 3:23 “ Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.

 

Tunay na hindi tayo karapatdapat ngunit... mayroong ang kaloob ang Dios na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Ø  Pagkilala Kay Jesus bilang Panginoon at Tagapaligtas.

Sa panahon noon marami ang nagsasabi na Si Jesus ang Mesias o ang Tagapagligtas. Hinamon, sinubok ng may pagdududa ang Pagkakakilanlan ni Jesus ng isang kriminal na kasama niya na nakapako. “Kung ikaw ang Mesiyas, iligtas mo ang iyong sarili at kami.” V.39b

Ngunit ang isa naman na kriminal ito ang kanyang sinabi….

42 Sinabi niya kay Jesus: Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay nasa paghahari mo na.

----Ang pagsabi niya ng “alalahanin mo ako kapag ikaw ay nasa paghahari mo na” ay isang patunay na si Jesus ay kinikilala niya bilang kanyang Panginoon, Hari, at Tagapagligtas.

 

Ano ang naging tugon ni Jesus sa kanya?

43 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.

Ang Paraiso na ito na tinutukoy ay mailalarawan na bagong tahanan, bagong langit at lupa at magiging mamamayan ng Diyos kung saan “papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan” (Pahayag 21:1,4).

Pahayag 21

21 Pagkatapos nito, nakita ko ang bagong langit at ang bagong lupa. Naglaho na ang dating langit at lupa, pati na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Dios. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Dios ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila [at magiging Dios nila.] Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”

 

Hindi natatapos ang buhay sa kamatayan dito sa lupa dahil may kaloob ang Diyos na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesus.

Sapagkat…. (Juan 14:1-7)

14 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Dios at magtiwala rin kayo sa akin. Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon para ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo. Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo. At alam nʼyo na ang daan papunta sa pupuntahan ko.” Sinabi ni Tomas sa kanya, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano po namin malalaman ang daan?” Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko. Kung kilala nʼyo ako, kilala nʼyo na rin ang aking Ama. At ngayon nga ay nakilala at nakita nʼyo na siya.”

WAKAS-HAMON

Nagtitiwala ako na kahit sa pinakahuling sandali ng buhay ng tao, mayroong personal na pag-uusap at relasyong nabubuo sa pagitan niya at ng Diyos, katulad ng pangyayari sa mga kriminal na nakasama ni Jesus habang sila ay nakapako sa krus.

Ngunit sa puntong ito, hindi na nawa pa hintayin ang huling pagkakataon ng buhay para magsisi sa mga pagkakasala at kilalanin si Jesus bilang Panginoon at Tagapaglitas.

Bagkus sa oras na naipahayag at nalaman namin ang Magandang Balita na Mahal ng Diyos ang Sanlibutan, ibinigay ang Kanyang bugtong na Anak (si Jesus) upang ang sinumang sumampalataya sa kanyang ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16), ay nakahanda ang bawat isa na tumugon sa panagwan ng Diyos.

 

Sa pagkaaalam ng katotohanan, nawa’y handang tumugon ang bawat isa. Magawa ang paghahanda para sa buhay na walang hanggan (ang pagsisi sa lahat ng nagawang kasalanan at ang pagkilala kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

 

Panalangin ng Pagtanggap.

Comments

Other Stations

International Women's Day 2026

  SERMON FOR WOMEN’S SUNDAY 2026 Date Written: March 12, 2026 Ø   International Women’s Day -Proverbs 31:25 “ Strength and dignity are her clothing,      and she laughs at the time to come.” 25  Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal.   25  Malakas at iginagalang siya , at hindi siya nangangamba para sa kinabukasan.     Ø   Clergy Spouses Association (CSA) Sunday . SUNDAY2026 celebration is: “Flourishing from Within: A Guarded Heart with a Life of Service.” It is based on Proverbs 4:23 , “Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.”   Scriptural References: Proverbs 31:10-31; 1 Timothy 5:2-4; Titus 2:3-5; Proverbs 4:23   INTRODUCTION: Brief History of International Women’s Day Mula sa article na History of International Women’s Day ng International Women Development Agency, nagsimula ang lahat noon pa...

THE CONFESSION

     While I am reading a book title "Leadership That Builds" by Glenn Johnson, on its chapter title "A leader Must Have Integrity", I remember my life verse in Psalm 111:10 "The fear of the Lord is the beginning of wisdom and all who follow His precepts have good understanding, to Him belongs eternal praise." The book explains that fearing God is trusting Him with confidence, but this may fail when you feel guilty at some point in your life.  The hindrance of our confidence in God is the feeling of guilt. In Nehemiah (Book in the Old Testament), which is the scriptural foundation of the said book, confession is Nehemiah's way on gaining confidence in God. He said in Nehemiah 1:6 " let your ear be attentive and your eyes open to hear the prayer of your servant that I now pray before you day and night for your servants, the Israelites, confessing the sins of the Israelites, which we have sinned against you. Both I and my family have sinned."  ...