VIDEO: https://web.facebook.com/share/v/1JVCyWh1mU/
Sa isang taon na ako ay nakadestino
sa Anda Central ay maraming ako natutunan. Ito rin ang ikalawang taon ko sa
aking full-time ministry. Ang ACUMC ay isang matatag na simbahan. Dumaan man
ito sa hiwalayan, nagpatuloy ito kahit baguhan ang mga nakaupong mga opisyal. Hindi
ko masasabing ito ay perpektong simbahan, ngunit nakita ko ang pagnanais na lumago
hindi lamang sa bilang ngunit ganoon din sa pananampalataya. Hindi man ito
agad-agad, nauna man ang paglago sa bilang, ngunit nagtitiwala ako sa
pangungusap at paglago na ibibigay ng Panginoon para sa mga miyembro. Ang panawagan
lamang sa bawat isa ay ang pagkakaisa, pagbibigayan, tapat na pagsunod sa ating
Diyos, pagpapakumbaba, paglilingkod, pagpapatawaran, at pagmamahalan.
Nakasama ko sa isang buong taon ang aking mga minamahal na kamanggagawa sa iglesia sina Pastor Augusto as Admin, Pastor Leonard as assistant pastor, at Dss. Melissa as Kindergarten Deaconess. Kasama ang kanilang mga pamilya asawa, anak at apo ni Pastor Augusto na sina Ma’am Mely, Kuya Jason (drummer, volunteer tech operator), Kuya John Mark (Expert sa guitar), at si Jashen (una sa Memory Verses Psalm 23). Sa pamilya naman ni Cher Melissa, ang kanyang asawa na si Kuya Josh at kanyang anak at aking inaanak na si Mesha.
Sa pagministeryo, sama-sama kami sa pag attend at paglilingkod sa prayer meeting, family devotions, mga kasal, thanksgiving service, wake at funeral service, vehicle blessings at mga iba pang mga invitations. Sa loob naman ng iglesia ay may kanya-kanyang gawain ang bawat isa. Sa panahon ding ito, circuit o kasama sa pinupuntahan ang Awag UMC (isa na nagkaroon din ng hiwalayan at nasa panahon ng pag-ahon) sa pamamgitan ng amin mga pastor at ibang miyembro sa Anda Central habang naka-assist kung kinakailangan kaming mga deaconesses. Nagdaos ng 118 years ang Anda Central noong April 26, 2026 at nitong May 2026, nagkaroon naman ng panibagong sasakayan Mitsubishi L300 habang nagpapatuloy na gumagana pa ang aming jeepney na si Bro Nestor lamang ang halos may kakayanang mag drive dahil sa tagal na ng sasakyang ito.
Sa aking personal na pagtugon sa panagawan ng Panginoon dito sa Anda Central, hinayaan ako ng Panginoon na magturo sa Youth Sunday School, Music Ministry Team (Praise and Worship, Choir Conductor, Worship Service Pianist/Organist). Isa sa pinaka ipinapasalamat ko ay ang pinaka unang Christmas Cantata noong December 23, 2025 bilang isang ganap na deaconess sa tulong at gabay ng mga kasama sina Ma’am Charmaine, co church workrs at ang Anda Central Chancel Choir (UMM, WSCS, UMYAFP, UMYFP), mga kabataan, mga bata, at mga supportive member. Ganoon din ang pag papatupad ng Vacation Church School 2026 (We are God’s Family) na may 155 na mga bata mula sa mga area sa Anda Central UMC (Poblacion (Tomoro, Labrang), San Nicholas, Roxas, 120 kids) at Awag UMC (35 kids). Purihin si Yahweh sa lahat ng tagumpay at karanasan na Siyang nanguna at gumabay at pasasalamat sa mga kabataan sa pagtuturo, kay Uncle Nestor sa paghatid sundo, at sa lahat ng mga sumuportang miyembro para sa mga VCS materials at sa pagluluto at sa pagpapakain ng limang araw sa mga bata at mga teachers.
May mga first time din akong mga karanasan katulad ng pakikipista sa Brgy. Roxas at Awile na maraming tumanggap sa amin na mga bahay at kami ay kumain bilang pagdiriwang nila ng pista. Ang pag-attend din sa Pistang Kristiyano at pag conduct ng choir sa kantang “O Church, Arise” bilang pakikilahok sa isang ecumenical na gawain. Ang pagtuturo ng limang araw ng Music Theory with Choir (Over My Head Song) sa mga kabataan sa School of Christian Youth Development, isang gawaing sa kumperensya (HIPAC) na muling naisagawa matapos ang pitong (7) taon. Ang pagkakaroon ng lisensya bilang isang Professional Teacher ay naranasan ko rin sa taong ito. Ang pagdiriwang ng aking birthday na malayo sa aking pamilya at kasama ko naman ang church council at members. At ang pagiging District Secretary, na isang gawaing nagturo sa aking na maging mas matiyaga, mas tumulong, at mahalin ang kinabibilangang distrito.
Sa kabila nito, lubos kong pinapasalamatan ang Panginoon, sapagkat hindi niya ako pinabayaan. Binigyan niya ako ng matitirhan, ng aking makakain sa araw-araw, tubig na maiinom, financial resources para sa mga gastusin, sasakyan na aking nahihiram sa paghayo, sa kaligtasan sa bawat biyahe, sa pamilya na sumusporta, mga bagong mga kakilala na nakasama sa paglilingkod at mga unexpected care and love mula sa ibang tao. Kaya naman sa panibago at simula muli ng ikatlong taong sa full-time ministry at retained (2nd year) dito sa Anda Central UMC, patuloy akong nagtitiwala sa patnubay ta gabay ng Panginoon (Proverbs 3:5-6). Samahan Mo po ako Panginoon, turuan at tulungan sa mga nais niyong pong ipagawa sa akin sa pangalan ni Jesus, Amen.
Congratulations cher Mae. God bless you always with your family and ministry
ReplyDelete