Skip to main content

Other Stations

"Oo" o "Hindi"

Mateo 5:37 Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.” Ang bawat salita na ating binibitawan ay mahalaga. Dahil Ang mga salitang ito ay maaring makapagbigay ng kaliwanagan o magbigay Ng kalituhan. Dapat na maging malinaw at maingat Tayo sa ating sinasabi upang maiwasan ang Hindi pagkakaintindihan. Pinapaalala din sa atin Ng Bibiliya na huwag mangyari na pagpupuri at panlalait Ang manggaling sa bibig (James 3:10). Nais Ng Diyos na dumaloy sa atin Ang ISANG malinaw na Tubig: Ang mga salitang pawang pagpupuri, nakapagpapalakas Ng loob, puno ng pag-asa, kapakumbabaan at karunungan na nagmumula sa Diyos. Panginoon, tulungan Mo Po kami na pakaingatan Ang aming mga salita na mangagagaling sa aming bibig. Sa pangalan ni Jesus Amen.

PKA 07 Buong Pusong Umawit

  Buong Pusong Umawit “16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” -Colosas 3:16-17-   Parte ng buhay ng isang mananampalataya ay ang umawit ng papuri sa Diyos. Kung babalikan natin ang mga pangyayari sa Lumang Tipan ng Biblia mayroong mga itinalaga na tagapamahala para sa mga awitin sa templo ng Diyos (1 Cronica 6:31-32). Sa aking kinalakihan, ang pag-awit ng himno ay parte ng pagsamba. At ang pinakauna kong naawit noong ako’y bata pa ay ang “Jesus Loves Me.” Mas napalalim at napalawak pa ang aking pagpapahalaga sa musika sa simbahan simula ng ako ay pumasok sa ministeryo ng pag Diya-Diyakonesa. Parte ng ...

Kumusta ka Pilipinas?

Kumusta ka Pilipinas? Ano ang kalagayan mo ngayon? Nasaan ka ngayon? Saan ka ba paroroon?   Sumilip sa may batis Napatingin at napa-isip Sino ang aking nakita? “Ikaw bayan sarili?”   Sarili, ano ang iyong wika? Sarili, naghahangad ka pa ba ng iba? Sarili, iyong bigkasin ang “po” at “opo” Sandali, bakit tila ngayon mulang ito narinig?   Pilipinas, iyan ang pangalan mo Filipino ang pagkakilala sa iyo Filipino rin ang sinasalita mo Pilipinas, naririninig mo ba ako?   Pilipinas, ako ay mayroong munting paalala   Na mahalin mo sana ang sarili Ikaw sana ay hindi magapi Kahit sarili ang kaapi