Skip to main content

Prayer Busters

 July 28, 2026

PRAYER MEETING| BIBLICAL MEDITATION

NOTES FROM Book title “Too Busy Not To Pray” by Billy Hybels with Personal Reflection and Testimony.

Chapter 9: Prayer Busters

“Mga Handlang/ Sumisira sa Panalangin”

Ano ang nag momotivate sa iyong prayer life?

Ang answered prayer ang uudyok sa tao upang manalangin.

Ngunit ano ba ang humahadlang/pumipigil/ nakaksira para masagot ang ating panalangin?

 

1. Prayerlessness. James 4:2cYou do not have because you do not ask God.

Hindi nasasagot ang ating panalangin dahil hindi tayo nanalangin.

Ang panalanging ay dapat regular, taos-puso, at matiyaga.

Kailan ang ka dumulog sa Panginoon ng regular, may taos-puso, at pagtiyatiyaga?

 

2. Unconfessed Sin. Isaias 59:2 “Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi niya kayo marinig.”

“Hindi natin maaabot ang pinakatuktok ng buhay Kristiyano kung mayroong kaunting kasalanan sa ating mga puso.”

Huwag daw nating sayangin ang ating hiniga sa pananalangin kung nagpapatuloy naman tayo sa pagkakasala. Kung manalangin  man dapat ito ay prayer of confession o pag-amin at paghingi ng tawad sa Panginoon. Pagkatapos ay tanggapin po ang pagpapatawad ng Panginoon at ikaw ay Kanyang diringgin.

 Ano ba ang nais ng ating Panginoon sa atin? Micah 6:8 “Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.”

 

3. Unresolved Relational Conflict. Mateo 5:23-24 “23 Kaya't kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, 24 iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.”

Bilang kabilang sa pamilya ng Diyos, nais Niya na mabuhay ang isa’t isa ng may pagmamahalan at kapayapaan.

Roma 12:18 “Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.”

 

4. Selfishness. Santiago 4:3 “At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan.”

Noong nanalangin ang Panginoon Jesus “The LORD’S PRAYER”  sinabi Niya doon na ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.10     Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit…..

Mapapansin natin na hindi makasarili ang itinuturong Panalangin ng ating Panginoon Jesus. Kundi sa Panalangin ay kinikilala Niya ang kalooban ng Diyos hindi ang kanyang sarili.

 

5. Uncaring Attitudes. Mga Kawikaan 21:13 “Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap,

    daraing din balang araw ngunit walang lilingap.”

“Kapag tayo ay nanalangin, isa rin tayo sa gagamitin ng Panginoon sa pagsasakatuparan ng kanyang layunin sa ating panalangin.”

Parte tayo ng ating Panalangin.

God is the God of love, compassion, and mercy. We are children of God and we are ought to reflect God’s love, compassion and mercy to this world.

We care because Jesus cares.

6. Inadequate Faith. James 1:5-8

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

 

I’ll Testify about my mother’s condition on her Thyroid nodule. She is diagnosed with Hypothyroidism. According to the doctor, the nodule cannot be dissolved by means of medication but through operation. And it cost 110k, but there was another issue on my mother’s cholesterol and sugar, that they should be monitored and balanced because they are too high. The delay for my mom’s operation and the lowering of her Cholesterol and sugar level gave me hope and faith.

My mother’ prayer of faith is that the Lord will heal her and she will not undergo operation.

Her faith, our prayer of faith, let God moving. And yes He is, my mom’s nodule is shrinking without any medication but only faith and self-care and discipline. We keep on praying for complete recovery and healing. Thy will be done.

Kung tayo’y mananalangin, magtiwala tayo sa kakayanan ng ang ating Diyos.

 

            Sa ating prayer life, siyasatin natin ang ating mga sarili kung ano ang mga maaaring dahilan kung bakit hindi nasasagot ang ating panalangin? Ilapit mo ito sa Panginoon at ikaw ay lumakad at gumawa ng may pagtitiwala sa Kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments

Other Stations

PKA 07 Buong Pusong Umawit

  Buong Pusong Umawit “16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” -Colosas 3:16-17-   Parte ng buhay ng isang mananampalataya ay ang umawit ng papuri sa Diyos. Kung babalikan natin ang mga pangyayari sa Lumang Tipan ng Biblia mayroong mga itinalaga na tagapamahala para sa mga awitin sa templo ng Diyos (1 Cronica 6:31-32). Sa aking kinalakihan, ang pag-awit ng himno ay parte ng pagsamba. At ang pinakauna kong naawit noong ako’y bata pa ay ang “Jesus Loves Me.” Mas napalalim at napalawak pa ang aking pagpapahalaga sa musika sa simbahan simula ng ako ay pumasok sa ministeryo ng pag Diya-Diyakonesa. Parte ng ...

SERMON| Together in Faith, United in Love

  SERMON|NaCaToBo Cluster| LOVE FELLOWSHIP February 2, 2025                 Venue: Caniogan United Methodist Church, Anda, Pangasinan Prepared by: Dss. Jesemae Gale Theme: “Together in Faith, United in Love” Scripture : Colosas 3:14 Magandang Balita Biblia 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.                                          Pump Question: 2  Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan....

Kumusta ka Pilipinas?

Kumusta ka Pilipinas? Ano ang kalagayan mo ngayon? Nasaan ka ngayon? Saan ka ba paroroon?   Sumilip sa may batis Napatingin at napa-isip Sino ang aking nakita? “Ikaw bayan sarili?”   Sarili, ano ang iyong wika? Sarili, naghahangad ka pa ba ng iba? Sarili, iyong bigkasin ang “po” at “opo” Sandali, bakit tila ngayon mulang ito narinig?   Pilipinas, iyan ang pangalan mo Filipino ang pagkakilala sa iyo Filipino rin ang sinasalita mo Pilipinas, naririninig mo ba ako?   Pilipinas, ako ay mayroong munting paalala   Na mahalin mo sana ang sarili Ikaw sana ay hindi magapi Kahit sarili ang kaapi