Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2021

Saklolo

Nasubukan mo na ba ang mangailangan? Ang mahingan Ng tulong? Sa lahat ng aspeto ng buhay may pangangailangan ang tao. Ako ay naniniwala na may dahilan kung bakit tayo nasa isang lugar, isang grupo, isang pamilya, kung bakit nakakikilala tayo ng ibang tao at kung bakit naririto Ka- Tayo sa mundo. Nagpapasalamat ako sa ating Panginoon sapagkat siya ay gumagamit ng maraming tao upang iparamdam Ang Kanyang pag-ibig. Salamat sa lahat ng taong ginagamit Niya araw araw. Minsan tayo ang nangangailangan, minsan tayo rin ay tinatawag na tumugon sa pangangailangan. Ang pagpapala ay mula sa ating Panginoon. Tayong lahat ay daluyan ng Kanyang pagpapala. -I'm Jes

Gaano ka katagal naghintay ?

                                                                                    2-4-21 (Pila para sa National I.D.) Pamilyar tayo sa kasabihan na "kapag may tiyaga, may nilaga" . Nasubukan mo na bang maghintay? Gaano katagal? Ako, base sa aking karanasan maraming paghihintay ang naranasan ko. Paghihintay tuwing may meeting, kapag may pupuntahan, at marami pang iba. Pero ang matinding paghihihtay na naransan ko ay ang maghintay sa pila- sa lahat ng pwedeng pilahan. Naalala ko tuloy noong nag-apply ako ng scholarship sa CHED (Commission on Higher Education) sa may Quezon City. Sobrang dami kong kasabayan na mga estudyante, simula ground floor paitaas ang pila  hangang 3rd floor sa pagkakaalala ko.  Gayun pa man, ang pagtiyatiyaga sa buhay ay napakaimportante. Bakit ba tayo naghihitay o nagtiyatiyaga sa isang bagay? Marahil ito ay pinili mo dahil may gusto kang maabot o marating? O dahil gusto mong makita kung  anong mayroon at mangyayari hanggang dulo? O dahil umaasa ka na

May Aral sa Pagbabasa

Isang pribilehiyo ang makapagbasa. Sa pagsusulat ko ngayon, dapat na ibabahagi ko ang personal na natutunan ko sa pagbabasa ngunit may naalala akong pagkakataon na kung saan nakatagpo ako ng isang tao na kasing edad ko lamang na nahihirapan magbasa. Nakakalungkot, isang engwentro ito sa aking buhay na tila  walang akong magawa. Panahon ito noong ako ay nag-aaral pa bilang mag-aaral sa  Senior High School at umuwi ako sa aking bayan. Sa aking pagbalik upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral, naging isang motibasyon ito para as akin upang pahalagahan ko ang edukasyon.  Natututong magbasa ang tao sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan at pagtuturo ng magulang. Iba- iba ang karanasan ng bawat tao sa mundo. May mga personal na dahilan kung bakit hindi nararanasan ng isang tao ang nararanasan ng iba. Ngunit dahil sa nalaman ko na mayroong pagkakaiba ang mga tao, doon ko mas natutunan ang salitang pagpapakumbaba. Walang dapat ipagmalaki at hindi dapat isipin na mas angat ka sa iba. Kung muli ak