Pamilyar tayo sa kasabihan na "kapag may tiyaga, may nilaga". Nasubukan mo na bang maghintay? Gaano katagal? Ako, base sa aking karanasan maraming paghihintay ang naranasan ko. Paghihintay tuwing may meeting, kapag may pupuntahan, at marami pang iba. Pero ang matinding paghihihtay na naransan ko ay ang maghintay sa pila- sa lahat ng pwedeng pilahan. Naalala ko tuloy noong nag-apply ako ng scholarship sa CHED (Commission on Higher Education) sa may Quezon City. Sobrang dami kong kasabayan na mga estudyante, simula ground floor paitaas ang pila hangang 3rd floor sa pagkakaalala ko.
Gayun pa man, ang pagtiyatiyaga sa buhay ay napakaimportante. Bakit ba tayo naghihitay o nagtiyatiyaga sa isang bagay? Marahil ito ay pinili mo dahil may gusto kang maabot o marating? O dahil gusto mong makita kung anong mayroon at mangyayari hanggang dulo? O dahil umaasa ka na may mangyayaring kakaiba kapag nakarating ka sa dulo? Iba iba ang pananaw ng tao kung bakit siya matiyagang naghihitay. Hindi man ako nakuha sa scholarship na iyon natuto akong maghintay at habang nasa pila ako na-obserbahan ko na tulad ng mga kasamahan ko sa pila kami ay nagbabakasakali o umaasa. Muli akong natuto sa karanasang ito. Ang pakikipaghalubilo sa ibang tao. Mula sa iba't ibang eskwelahan ang mga nakasama ko sa pila ngunit ang naging tulay ng aming simpleng pagkakakilala at kwentuhan ay ang sumubok sa pagpila para sa scholarship.
Ang sarap sa pakiramdam na natapos yung pila. Kaka-iba talaga ang aral na mapupulot natin sa bawat experience na naransan at mararanasan natin. Sa huli, masasabi mo sa iyong sarili. "Hayy, salamat natapos din."
-I'm Jes
Ganon tlga ang life maghintay kung para aayo tlga para sayo at kung hnd may nakalaan para sa yom
ReplyDelete