Skip to main content

Gaano ka katagal naghintay ?


                                                                    2-4-21 (Pila para sa National I.D.)


Pamilyar tayo sa kasabihan na "kapag may tiyaga, may nilaga". Nasubukan mo na bang maghintay? Gaano katagal? Ako, base sa aking karanasan maraming paghihintay ang naranasan ko. Paghihintay tuwing may meeting, kapag may pupuntahan, at marami pang iba. Pero ang matinding paghihihtay na naransan ko ay ang maghintay sa pila- sa lahat ng pwedeng pilahan. Naalala ko tuloy noong nag-apply ako ng scholarship sa CHED (Commission on Higher Education) sa may Quezon City. Sobrang dami kong kasabayan na mga estudyante, simula ground floor paitaas ang pila  hangang 3rd floor sa pagkakaalala ko. 

Gayun pa man, ang pagtiyatiyaga sa buhay ay napakaimportante. Bakit ba tayo naghihitay o nagtiyatiyaga sa isang bagay? Marahil ito ay pinili mo dahil may gusto kang maabot o marating? O dahil gusto mong makita kung  anong mayroon at mangyayari hanggang dulo? O dahil umaasa ka na may mangyayaring kakaiba kapag nakarating ka sa dulo? Iba iba ang pananaw ng tao kung bakit siya matiyagang naghihitay.  Hindi man ako nakuha sa scholarship na iyon natuto akong maghintay at habang nasa pila ako na-obserbahan ko na tulad ng mga kasamahan ko sa pila kami ay nagbabakasakali o umaasa. Muli akong natuto sa karanasang ito. Ang pakikipaghalubilo sa ibang tao. Mula sa iba't ibang eskwelahan ang mga nakasama ko sa pila ngunit  ang naging tulay ng aming simpleng pagkakakilala at kwentuhan ay ang sumubok sa pagpila para sa scholarship. 

Ang sarap sa pakiramdam na natapos yung pila. Kaka-iba talaga ang aral na mapupulot natin sa bawat experience na naransan at mararanasan natin. Sa huli, masasabi mo sa iyong sarili. "Hayy, salamat natapos din."

-I'm Jes

Comments

  1. Ganon tlga ang life maghintay kung para aayo tlga para sayo at kung hnd may nakalaan para sa yom

    ReplyDelete

Post a Comment

Other Stations

Sa Hudyat

Makalipas ang halos tatlong buwan sa aking bagong church appointment – Anda Central United Methodist Church (ACUMC), napakarami na agad akong realizations sa buhay, sa sarili, sa ministry, at sa aking pananampalataya. Sa ikatlong buwan lamang na pinahintulutan ako ng ating Diyos na magsalita kaya iyon ang aking gagawin sa puntong ito. Sa ibaba, makikita ang mga supporting verses kung bakit ngayon ay nagbabahagi ako sa inyo. Lucas 5:14 14  Pinagbilinan  siya ni Jesus, “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa kanya. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao na ikaw nga'y magaling na.” Lucas 8:17 17  Walang  natatago na di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. Lucas 8:39 39  “Umuwi ka na at ipamalita mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.”   Ito ang panahon ng pagbabahagi. Sa unang buwan ng aking new church appointment, ako ay nanibago. Gayun pa man ay pin...

Ang Buhay

Napapaisip ako sa takbo ng mundo Ni minsan hindi ito tumigil Natural ang pag-ikot nito Kaya naman ang mga tao tumatakbo din Ang tao nagpapatuloy kahit napapagod Dahil sa buhay na ito ay may itataguyod Nasaksihan ko ang karanasan ng maraming tao Lahat ay may natatanging kwento Sumapit ang panahon na kailangang huminto Hindi para sumuko kundi mayroong napagtanto “Sana nama’y may kabuluhan lahat ng ito” Napatingin ako sa taas at humingi ng saklolo. -JGOG 

Life is You Lord

Blinded by the acts of the world ( am-G-C Was tasked to do as it demands (am-G-C Life as they know it, how can, I be sure? (am-G-C What is my life, dear Lord? (Am - C G On my own will, I tried to search (am-G-C Looking for answers, unsatisfied (am-G-C Spent my time, and  money, and my might (am-G-C How can I know if these are right? (Am-F-G Refrain. Now, I come to you and taught me that (G-am-G-am) Life is You Lord (Jesus), it is all about You (F-G Here I am, use me Lord Jesus (G-am-G-am You are my life; I take up my cross (F-G And follow you (C/G-am-F) Bridge Even when hope seems to be lost (am-G And even when my mind cannot decide (am F I pray to you, O, Lord, your will be done not mine. (Am-G- am-F