Skip to main content

May Aral sa Pagbabasa


Isang pribilehiyo ang makapagbasa. Sa pagsusulat ko ngayon, dapat na ibabahagi ko ang personal na natutunan ko sa pagbabasa ngunit may naalala akong pagkakataon na kung saan nakatagpo ako ng isang tao na kasing edad ko lamang na nahihirapan magbasa. Nakakalungkot, isang engwentro ito sa aking buhay na tila  walang akong magawa. Panahon ito noong ako ay nag-aaral pa bilang mag-aaral sa  Senior High School at umuwi ako sa aking bayan. Sa aking pagbalik upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral, naging isang motibasyon ito para as akin upang pahalagahan ko ang edukasyon. 

Natututong magbasa ang tao sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan at pagtuturo ng magulang. Iba- iba ang karanasan ng bawat tao sa mundo. May mga personal na dahilan kung bakit hindi nararanasan ng isang tao ang nararanasan ng iba. Ngunit dahil sa nalaman ko na mayroong pagkakaiba ang mga tao, doon ko mas natutunan ang salitang pagpapakumbaba. Walang dapat ipagmalaki at hindi dapat isipin na mas angat ka sa iba. Kung muli akong bibigyan ng pagkakataon at panahon, pipiliin ko ang magbahagi kung ano ang mayroon  ako at kung ano ang kaya kong gawin. 

-I'm Jes

Comments

Other Stations

Sa Hudyat

Makalipas ang halos tatlong buwan sa aking bagong church appointment – Anda Central United Methodist Church (ACUMC), napakarami na agad akong realizations sa buhay, sa sarili, sa ministry, at sa aking pananampalataya. Sa ikatlong buwan lamang na pinahintulutan ako ng ating Diyos na magsalita kaya iyon ang aking gagawin sa puntong ito. Sa ibaba, makikita ang mga supporting verses kung bakit ngayon ay nagbabahagi ako sa inyo. Lucas 5:14 14  Pinagbilinan  siya ni Jesus, “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa kanya. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao na ikaw nga'y magaling na.” Lucas 8:17 17  Walang  natatago na di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. Lucas 8:39 39  “Umuwi ka na at ipamalita mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.”   Ito ang panahon ng pagbabahagi. Sa unang buwan ng aking new church appointment, ako ay nanibago. Gayun pa man ay pin...