INILIGTAS! “Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan. -Mga Awit 31:4- Ang Diyos ang nagligtas kay haring David sa oras ng kanyang pagkabalisa at mga problema. Madalas na hinahanapan ng tao ng solusyon ang kanyang problema. At ang mga problemang ito ay maaaring nakapaloob sa mga aspeto ng buhay: pisikal, pinansyal, mental, emosyonal, sosyal, esprituwal, at sekswal. Ang mga problemang ito ay nagsisilbing mga kaaway na maaring sumira sa tao. Sa katunayan, kahit ano pang pagsisikap ng tao na pagtagumpayan ang mga problema niya, kung nanahan lamang sa kanyang sariling kaisipan at lakas, siya’y mabibigo. Si haring David ay humingi ng tulong sa Diyos. Siya ay nagtiwala na kayang-kaya ng Diyos na iligtas siya sa bitag ng kanyang mga kaaway....
Ayon sa Reader's Digest Great Encyclopaedic Dictionary (1964), ang ekspedisyon ay isang paglalakbay o paglalayag para sa isang tiyak na layunin.Ang bawat araw ay regalo ng Diyos sa ating lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos araw-araw at matuto araw-araw. According to the Reader's Digest Great Encyclopaedic Dictionary (1964), an expedition is a journey or voyage for a definite purpose. Every day is God's gift to all of us. Let us thank God every day and learn day- to - day.
Comments
Post a Comment