Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2024

Ika 98 na Araw

     Ika- siyamnapu't walong (98)  araw na ngayon (September 11, 2024) nang ako ay itinalaga bilang isang Diyakonesa (Deaconess) sa Pangasinan West Island District, sa kumperensya ng Hundred Islands Philippines Annual Conference, Baguio Episcopal Area ng simbahang United Methodist Church sa Pilipinas sa pangunguna ng mahal na obispo na si Rev. Rodel Acdal para sa ikararangal ng ang Diyos Ama sa pagliligtas ni Hesu Cristo at patnubay ng Banal na Espiritu.      Mahalaga ang araw na ito, sapagkat aking ipinapanalangin na samahan nawa ako ng ating Diyos sa aking pagsusulat.       Sa  nakalipas na mga araw, nagtanong ako sa ating Diyos kung ano ang aking gagawin at dapat isulat. Marami akong nasaksihan na mga pangyayari (kasiyasiya man o hindi), nakilalalang tao, napuntahang lugar, natanggap na pagapapala, at nakita at naramdaman ang kabutihan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Marami akong naiisip na mga bagay-bagay  na hindi k...

When God Calls... (Kapag tumawag ang Diyos..)

Date of preparation:   August 21 for August 25, 2024 Theme: When God Calls… Scripture: Genesis 12:1-9 (Tinawag ng Diyos si Abram)   PUMP Question: Ano ba ang kadalasaang dahilan kung bakit ikaw, ako, o tayo ay tinatawag?   Basahin Genesis 12:1-9   Q.   Nang may tumawag sa iyo para gawin ang isang bagay, maihahambing mo ba ang iyong sarili sa buhay ni Abram noong tinawag siya ng Diyos? Bilang isang kabataang Kristiyano ano ang nais ipagawa sa iyo ng Diyos?   Intro: Ang binasang teksto kanina ay tungkol sa pagtawag ng Diyos kay Abram.   Sino ba si Abram? Si Abram ay mula sa lahi ni Shem na Anak ni Noe, at si Noe naman ay mula sa lahi ni Adan na nilikha ng Diyos. Siya ay may asawang nagngangalang Sarai, at hindi siya magkaanak dahil siya ay baog.             Sa umpisa pa lamang ay nagsalita na ang Diyos kay Abram. “1 Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyo...

And it came to pass (At Nangyari at Mangyayari)

  Theme: And it came to pass (At nangyari at mangyayari)  July 20, 2024   Q.Bago po ako mag umpisa, maari ko po ba kayo matanong kung ano sa tingin Ninyo ang pagkakaparehas natin sa isa’t isa? Ano po kayang mayroon ako na mayroon ka rin at tayong lahat? _ Read Acts 2:1-4,17; Joel 2:28 Acts 2:1-4, 17 Ang Pagdating ng Espiritu Santo   Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes. 2 Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. 16 Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel, 17 ‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;   ipahahayag n...