Skip to main content

PKA 06 Kahit Na Makasalanan Pa

 

Kahit Na Makasalanan Pa

“Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noon tayo’y makasalanan pa.”

-Roma 5:8-

 

Lahat ay nagkasala (Roma 3:23). Sa henerasyon ngayon (Generation Beta), laganap pa rin sa mundo ang iba’t ibang uri ng kasalanan. Napakabilis na matukso at mahulog sa kasalanan ang mga tao. Kahit pa humingi na ng tawad sa Panginoon, madalas ay bumabalik pa rin ang mga karamihan sa dati nilang estado. Nakakalungkot, ngunit ito ang totoo. Ang Diyos ang tunay na nakakaalam ng lahat, kahit ilang taon nang nakasulat ang kasulatan, napaka-angkop nito sa lahat ng henerasyon. Alam ng Diyos na magkakamali at magkakamali ang tao at mahuhulog sa kasalanan, ngunit matindi ang Kanyang pag-ibig sa ating lahat. Kahit na makasalanan pa tayo, una na tayong minahal ng Diyos at dahil sa pag-ibig na ito napawi ang ating mga kasalanan (1 Peter 4:8).

Kahit na makasalanan pa, binigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon na ihingi natin ito ng tawad sa Kanya at ng sa gayon papatawarin Niya tayo (1 Juan 1:9). Nais ng Diyos na maging malaya tayo at hindi na alipin ng kasalanan (Roma 6:12-14). Kaya’t ang hamon sa ating ng Diyos ay ang araw-araw na pagsunod sa Kanya, pagtakwil sa sarili (Mateo 16:24).

Panalangin: Panginoon Jesus, alam niyo po na ako ay makasalanan at nahihirapan ako na maging malaya. Tulungan Niyo po ako na makamit ang kapayapaang nais mo sa akin. Amen.

               

 

Comments

Other Stations

PKA 02 MATUTO!

  MATUTO! “Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa bakal, ang tao nama’y matututo sa kanyang kapwa tao.” -Kawikaan 27:17-                   Nakabilang ako sa isang gawain na tinatawag na Educator’s Convocation. Ako ang pinakabata sa lahat at kakaunti ang aking kasanayan kumpara sa kanila. Silang lahat ay nasa edad na tatlumpung taon pataas at punong- punong ng kahusayan at karanasan (Mga Reverend, Master’s degree holder at Doctorate degree holder). Nakita ko ang aking sariling na munting bata ngunit hindi nila ito pinaramdam sa akin.                   Isang bagay ang tinuro sa akin ng Panginoon sa oras na iyon, ito ay ang kahalagaan ng pakikinig. Ang mga taong ito na aking nakasalamuha, ay mga lider ng bawat institusyon at simbahan na aking kinabibilangan. Sa aking pakikinig, ako ay natuto.   Nalaman at nau...