Skip to main content

PKA 07 Buong Pusong Umawit

 

Buong Pusong Umawit

“16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.”

-Colosas 3:16-17-

 

Parte ng buhay ng isang mananampalataya ay ang umawit ng papuri sa Diyos. Kung babalikan natin ang mga pangyayari sa Lumang Tipan ng Biblia mayroong mga itinalaga na tagapamahala para sa mga awitin sa templo ng Diyos (1 Cronica 6:31-32). Sa aking kinalakihan, ang pag-awit ng himno ay parte ng pagsamba. At ang pinakauna kong naawit noong ako’y bata pa ay ang “Jesus Loves Me.” Mas napalalim at napalawak pa ang aking pagpapahalaga sa musika sa simbahan simula ng ako ay pumasok sa ministeryo ng pag Diya-Diyakonesa. Parte ng aking pagsasanay ang tumugtog ng himno, at iba pang awiting espirituwal, at maghanda ng mensahe ng awitin. Ngunit minsan ako ay biglang napaisip at tinatanong ang sarili na, “Ganito na lang ba ang aking gagawin?” Salamat sa Salita ng ating Panginoon na nagbigay sa akin ng katiyakan mula ng mabasa ko ang Efeso 5:19 at ang Colosas 3:16-17.

                Lahat ng mga kanta na ating inaawit ay hindi lamang simpleng mga awitin kundi ito ay sagrado at makabuluhan sapagakat ito ay base sa Salita ng Diyos. Ang mga ito ay nagbibigay mensahe sa bawat tagapakinig at nagbibigay papuri sa ating Diyos na dakila. Kung ikaw ay parte ng ministeryo ng musika sa simbahan ito ay isang paalala na pagbutihin ang paglilingkod at buong pusong umawit, buong pusong sumayaw, at buong pusong tumugtog para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ito ay isang pagkakataon ng pasasalamat sa Diyos sapagkat Siya ang pinagmulan ng sining at musika. 

Comments

Other Stations

PKA 04 HINDI KUKULANGIN!

  HINDI KUKULANGIN! “Matakot kayo sa Panginoon, kayo na kanyang mamamayan. Dahil ang may takot sa kanya ay hindi kukulangin sa lahat ng pangangailangan.” -Mga Awit 34:9-                       Ang pagkain ay isang pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay. Base sa aking obserbasyon, ang makakain kahit isang beses lamang sa isang araw ay isang pagpapala. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang estado ng buhay. At karamihan sa kapwa kong Pilipino ay kumukayod para may pambili ng pagkain. Si Apostol Pablo sa kanyang sulat sa Filipos kabanata apat, ay nagpahayag ng pasasalamat sa natanggap niyang tulong. Isang mananampalataya si Apostol Pablo at siya ay naging kontento sa kabila ng kanyang karanasan at kinilala niya na natugunan lahat ang kanyang pangangailangan at nakayanan niya ang lahat dahil sa tulong ni Cristo. Sa Awit 34 naman, naihayag na tumutulong ang Diyos sa lahat ng nagt...

MAGLIWANAG

  THEME: SHINE ON: CALLED TO BE THE LIGHT September 26, 2025   SCRIPTURE: Mateo 5:14-16 Magandang Balita Biblia 14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15 Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”   INTRO: Kung mayroong gabi at araw, mayroon ding dilim at ____ liwanag.    Ang teksto natin sa oras na ito ay patungkol sa liwanag. Saan o kanina ba nagmumula ang liwanag, Sino ang liwanag, ano ang kahalagahan ng liwanag at bakit dapat na magliwanag?   I. Ako ang ilaw ng sanlibutan The Sun is the primary source of light in the planet as the SON (Jesus) is the primary source of ligh...