Skip to main content

Posts

Mahal Kita, O Yahweh

Awit 27:4 Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,     iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay,     upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan,     at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. Ang relasyon sa Diyos ang pinakamataas at mahalagang relasyon. Lahat ay pwedeng magkaroon nito kung nanaisin at tanggapin si Jesus sa kanilang buhay. Ang makasama Ang Diyos sa Buhay natin ay Buhay na punong puno Ng pag-asa, Pag-ibig, at kasiguraduhan.  Katulad Ng sinasabi sa Awit 27:4, nawa'y hangarin natin ang Dakilang Diyos, lagi Siyang Hanapin, at manatili sa Kanyang Pag-ibig.

Maging Kaibigan ng Diyos

Santiago 4:4  "Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos." Ano ba ang taglay Ng sanlibutan? 1 Juan 2:16-17 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. Ano naman Ang Buhay na Kasama Ang Diyos? Colosas 3:12-17 12 Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmam...

Sa Lahat ng Pagkakataon

1 Tesalonica 5:16-18 Magandang Balita Biblia 16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Ang mga talatang ito ay bilin ni apostol Pablo sa mga taga Tesalonica at nais ring iparating sa ibang mga kapatid. Nasabi ito ni Pablo, Hindi dahil nasa mabuti Siyang kalagayan, bagkus nalalaman niya na kahit may haharapin pagsubok Ang bawat isa HINDI dapat Tayo manghina sa pananampalataya dahil Tayo ay nasa Pangako Ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus na ating Tagapagligtas. Nasa ilalim na tayo Ng kapangyarihan Ng Diyos kaya natututo na tayong pahalagahan Ang KALOOBAN Niya kaysa sa sailing nating kagustuhan.  Kaya kapatid "Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances."

God is our Help

Isaiah 38:16 O Lord, by these things people live,     and in all these is the life of my spirit.     Oh, restore me to health and make me live! Ang verse na ito ay ang sinabi ni Haring Hezekiah Ng Judah sa ating Panginoong Diyos habang siya ay nasa proseso Ng kagalingan. Isang hari si Hezekiah ngunit kinilala pa rin Niya ang Diyos na nakahihigit sa lahat. Humingi siya Ng tulong sa Diyos at nakakaranas Siya Ng kagalingan. Pinapaalala Ng verse na ito na ang Dakilang Diyos ay mahihingan natin Ng tulong nasaan man tayo o anumang estado Ng ating Buhay. Mahal ka, tayo Ng Diyos at Hindi Niya tayo pababayaan.

Ituon Kay Jesus

Mga Hebreo 12:1-2 12 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan.  2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. Ang Buhay Kristiyano ay isang paglalakbay kasama si Jesus.  Si Jesus ang nagpakita kung paano mamuhay ng may kabanalan. Bagama't tayo ay nasa mundong maraming nakapalibot na paghihirap, tukso at kasalanan, makakayanan nating malagpasan Ang mga ito kung nakatuon tayo sa ating Panginoong Jesus. Mayroong naghihintay na kagalakan sa atin sa may Hangganang kinaroroonan Ng Diyos. Huwag tayong magpagod sa Buhay Kristiyano. Magpatuloy tayo sa paglilingkod at lakbay Ng nakatuon ang paningin Kay Jesus na ...