Skip to main content

Posts

THE CONFESSION

     While I am reading a book title "Leadership That Builds" by Glenn Johnson, on its chapter title "A leader Must Have Integrity", I remember my life verse in Psalm 111:10 "The fear of the Lord is the beginning of wisdom and all who follow His precepts have good understanding, to Him belongs eternal praise." The book explains that fearing God is trusting Him with confidence, but this may fail when you feel guilty at some point in your life.  The hindrance of our confidence in God is the feeling of guilt. In Nehemiah (Book in the Old Testament), which is the scriptural foundation of the said book, confession is Nehemiah's way on gaining confidence in God. He said in Nehemiah 1:6 " let your ear be attentive and your eyes open to hear the prayer of your servant that I now pray before you day and night for your servants, the Israelites, confessing the sins of the Israelites, which we have sinned against you. Both I and my family have sinned."  ...

UPGRADE (Level Up)

NACATOBO UMYFP (Youth) Night 2026 At Namagbagan United Methodist Churxh January 25, 2026 WRITTEN BY Dss. Jesemae Gael O. Gale Date: January 21, 2026   Theme: UPGRADE Scripture: Ephesians 4:24 (NRSV) 24 and to clothe yourselve s with the new self, created according to the likeness of God in true righteousness and holiness. (ESV) 24  and to put on the new self, created after the likeness of God in true righteousness and holiness. (MBB) 24  at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.   Ang tema ng pagdiriwang ng UMYFP Sunday ay “Upgrade”. Nang sinubukan kong humanap ng pinakamainam na “translation” ang aking napili ay “mapabuti” o “pabutihin”.  Ang salitang “Upgrade “ay isang digital term na kung saan ginawa natin sa ating mga “digital devices” para mas gumanda at maging maayos ang paggamit natin dito. Kung ihahalintulad natin ito sa buhay natin ...

All the Earth Waits for Messenger

  “All the Earth Waits for Messenger” Biblical Reference: Malachi 3:1-4; Mga Awit 24:4-5,8-10; Mula sa Lucas 1:57-66 Written by: Dss. Jesemae Gael Gale (December 23, 2025)   Sa ating pang walong Simbang gabi na ang tema ay pinamagtang “All the Earth Waits for Messenger”   May tatlong po tayong Tekso na magmumula sa lumang tipan hanggan sa panibagong tipon ng Biblia.   Mula sa Malachi 3:1-4- Sinasabi sa atin sa panahon ngayon na mayroong Sugo o tagapamalita mula sa Diyos. Ang tungkulin ng Sugo ng Diyos ay ihanda ang lahat para sa pagdating ng Diyos. Isang halimbawa ng Sugo ng Diyos ay Si Moses na siyang ginamit ng Diyos upang turuan ang mga Israelita sa pamumuhay ng tama at ayon sa kalooban ng Diyos.     Mula naman sa Mga Awit 24:4-5,8-10 , ipinapaalala sa atin na ang lahat ng sa Mundo ay nilikha at pag-aari ng Diyos. Inaasahan na dahil ang lumikha sa atin ay Banal ay ganoon din nawa ang Kanyang mga nilikha. Ngunit sa kasamaang palad d...

PWID Children's Fellowship 2025

  Theme: Rising Generation: Embracing Christ, Impacting the Future Scripture: 1 Timothy 4:12 “Don’t let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in conduct, in love, in faith and in purity” 1 Timoteo 4:12 Magandang Balita Biblia 12 Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.   Magandag Umaga sa inyo mga bata!   Kilala niyo na kaya kung anong pangalan ng katabi niyo?   Sige sabay sabay ninyong sabihin ang ang pangalan ng katabi mo? 1..2..3.. Go. (NAME)   Ngayon naman ay mayroon akong ipapakilala sa inyo at ang pangalan niya ay si Timoteo. Si Timoteo ay katulad niyo rin na bata palang kumpara sa iba kaya may kinikilala siya na mas nakatatanda sa Kanya.   Si Timoteo ay mayroong naging guro at ang Pangalan naman...

BE AUTHENTIC

Whenever I write, I always consider the language I should use. Growing up in a colonized nation (the Philippines), it is kind of hard to have the so-called “originality”. From language, culture, songs, and clothing, just to name a few, almost all of it is influenced by nations that colonized us in the past. It is confusing to know who we really are as Filipinos. But what I realized now is that I should embrace the present and always be true to what I do and speak. As long as I do not forget to speak our native language (Filipino) and keep trying to use the dialects (Ilocano and Bolinao) I grew up with, even though I am not fluent and trying hard, I believe this will smooth out in its proper time. Maybe in the long run, you will notice that my output will be written in mixed language. Speaking out on this matter helps me to be more authentic. Based on my experience, there were times when I could easily express myself in English and sometimes in Filipino. The most important thing here is...

PKA 08 Hindi Para Kalugdan

  Hindi Para Kalugdan “4 Sa halip, nangangaral kami bilang mga karapat-dapat na katiwala ng Dios ng kanyang Magandang balita.Ginagawa naming ito hindi para kalugdan kami ng mga tao kundi ng Dios na siyang sumisiyasat sa mga puso naming. 5 Alam niyo rin na hindi naming kayo dinaan sa matatamis na pananalita sa pangangaral namin at hindi rin kami nangaral para samantalahin kayo. Ang Dios mismo ang saksi naming.6 Hindi namin hinangad ang papuri ninyo o sinuman.” -1 Tesalonica 2:4-6-     Noong labing anim (16) na gulang ako habang nasa araw ng pananambahan, naitanong ko sa aking sarili, “bakit kaya kaunti ang pumipili na maging church worker?” Ako ay nagtataka dahil isang mabuting gawain naman ang maglingkod sa Diyos. Nasa panahon ako noon ng pag de-desisyon kung ano ang kukunin kong programa sa kolehiyo. Maging isang Doctor, maging isang Pharmacist, o maging isang Nurse o alinmang propesyon sa larangan ng medisina ang noon ay nais kung maging pag laki ko. Ngunit b...

PKA 07 Buong Pusong Umawit

  Buong Pusong Umawit “16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” -Colosas 3:16-17-   Parte ng buhay ng isang mananampalataya ay ang umawit ng papuri sa Diyos. Kung babalikan natin ang mga pangyayari sa Lumang Tipan ng Biblia mayroong mga itinalaga na tagapamahala para sa mga awitin sa templo ng Diyos (1 Cronica 6:31-32). Sa aking kinalakihan, ang pag-awit ng himno ay parte ng pagsamba. At ang pinakauna kong naawit noong ako’y bata pa ay ang “Jesus Loves Me.” Mas napalalim at napalawak pa ang aking pagpapahalaga sa musika sa simbahan simula ng ako ay pumasok sa ministeryo ng pag Diya-Diyakonesa. Parte ng ...

PKA 06 Kahit Na Makasalanan Pa

  Kahit Na Makasalanan Pa “Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noon tayo’y makasalanan pa.” -Roma 5:8-   Lahat ay nagkasala (Roma 3:23). Sa henerasyon ngayon (Generation Beta), laganap pa rin sa mundo ang iba’t ibang uri ng kasalanan. Napakabilis na matukso at mahulog sa kasalanan ang mga tao. Kahit pa humingi na ng tawad sa Panginoon, madalas ay bumabalik pa rin ang mga karamihan sa dati nilang estado. Nakakalungkot, ngunit ito ang totoo. Ang Diyos ang tunay na nakakaalam ng lahat, kahit ilang taon nang nakasulat ang kasulatan, napaka-angkop nito sa lahat ng henerasyon. Alam ng Diyos na magkakamali at magkakamali ang tao at mahuhulog sa kasalanan, ngunit matindi ang Kanyang pag-ibig sa ating lahat. Kahit na makasalanan pa tayo, una na tayong minahal ng Diyos at dahil sa pag-ibig na ito napawi ang ating mga kasalanan (1 Peter 4:8). Kahit na makasalanan pa, binigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon na ihingi natin ito...

PKA 05 Lubos Siyang Nasiyahan

  Lubos Siyang Nasiyahan. “Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa at lubos siyang nasiyahan.” -Genesis 1:31a- Matapos nilikha ng Diyos ang mundo siya ay nasiyahan. Sa loob ng anim na araw, kumilos ang Diyos at siya ay sigurado sa kanyang mga gawa. Dahil sa siya ay nasiyahan, ibigsabihin naroon ang pagiging kontento niya. Ipinakita ng Diyos ang isang halimbawa sa paggawa. At siya ay dapat nating tularan sa tuwing mayroong gawain na nakaatas sa atin. Nasisiyahan ka ba sa iyong mga ginagawa o sa trabaho na mayroon ka ngayon? Bagama’t hindii natin maaabot ang kahusayan ng ating Diyos, siya ang naguudyok sa atin na gawin ang isang bagay ayon sa ating kakayanan. Tayo ay dapat din na masiyahan sa resulta ng ating gawa lalo kung para sa ating Diyos ang dahilan ng iyong paggawa. Pagmasdan at alalahanin mo ang iyong mga nagawa para sa Diyos at ikaw ay dapat masiyahan sapagkat nakita Niya lahat ng mga iyon.            ...

PKA 04 HINDI KUKULANGIN!

  HINDI KUKULANGIN! “Matakot kayo sa Panginoon, kayo na kanyang mamamayan. Dahil ang may takot sa kanya ay hindi kukulangin sa lahat ng pangangailangan.” -Mga Awit 34:9-                       Ang pagkain ay isang pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay. Base sa aking obserbasyon, ang makakain kahit isang beses lamang sa isang araw ay isang pagpapala. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang estado ng buhay. At karamihan sa kapwa kong Pilipino ay kumukayod para may pambili ng pagkain. Si Apostol Pablo sa kanyang sulat sa Filipos kabanata apat, ay nagpahayag ng pasasalamat sa natanggap niyang tulong. Isang mananampalataya si Apostol Pablo at siya ay naging kontento sa kabila ng kanyang karanasan at kinilala niya na natugunan lahat ang kanyang pangangailangan at nakayanan niya ang lahat dahil sa tulong ni Cristo. Sa Awit 34 naman, naihayag na tumutulong ang Diyos sa lahat ng nagt...

PKA 03 INILIGTAS!

  INILIGTAS! “Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan. -Mga Awit 31:4-                     Ang Diyos ang nagligtas kay haring David sa oras ng kanyang pagkabalisa at mga problema. Madalas na hinahanapan ng tao ng solusyon ang kanyang problema. At ang mga problemang ito ay maaaring nakapaloob sa mga aspeto ng buhay: pisikal, pinansyal, mental, emosyonal, sosyal, esprituwal, at sekswal. Ang mga problemang ito ay nagsisilbing mga kaaway na maaring sumira sa tao. Sa katunayan, kahit ano pang pagsisikap ng tao na pagtagumpayan ang mga problema niya, kung nanahan lamang sa kanyang sariling kaisipan at lakas, siya’y mabibigo.                 Si haring David ay humingi ng tulong sa Diyos. Siya ay nagtiwala na kayang-kaya ng Diyos na iligtas siya sa bitag ng kanyang mga kaaway....

PKA 02 MATUTO!

  MATUTO! “Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa bakal, ang tao nama’y matututo sa kanyang kapwa tao.” -Kawikaan 27:17-                   Nakabilang ako sa isang gawain na tinatawag na Educator’s Convocation. Ako ang pinakabata sa lahat at kakaunti ang aking kasanayan kumpara sa kanila. Silang lahat ay nasa edad na tatlumpung taon pataas at punong- punong ng kahusayan at karanasan (Mga Reverend, Master’s degree holder at Doctorate degree holder). Nakita ko ang aking sariling na munting bata ngunit hindi nila ito pinaramdam sa akin.                   Isang bagay ang tinuro sa akin ng Panginoon sa oras na iyon, ito ay ang kahalagaan ng pakikinig. Ang mga taong ito na aking nakasalamuha, ay mga lider ng bawat institusyon at simbahan na aking kinabibilangan. Sa aking pakikinig, ako ay natuto.   Nalaman at nau...

PKA 01 NAPAGTAGUMPAYAN NA!

  NAPAGTAGUMPAYAN NA! “Sinasabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkakaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” -Juan 16:33-                   Ang talatang ito sa Bibliya ay nagpapatunay na alam ng Diyos ang lahat ng bagay. Pinapaalam sa atin na dito sa mundo, likas na makakaranas tayo ng paghihirap. Mayroon akong nakilala na isang ina na may apat na anak at ulila na rin sa asawa. Hindi biro ang tumayong nag-iisang magulang dahil lahat ng responsibilidad ay kailangang panindigan. Sa kabila ng kanyang napakaraming responsibilidad, hindi siya nakakalimot na maglaan ng oras sa Diyos at sa mga gawain ng simbahan. Siya ay umaasa at kumukuha ng lakas sa ating Diyos para harapin ang bawat araw.             ...

PKA- Intro

  PANIMULA Isang pangkaraniwang araw ang nag-udyok sa akin na muling sumulat at sa pagkakataong ito ay mas naging malinaw ang dahilan at layunin ng gawain ito. Simula noong taon 2013, tinuruan ako ng aming manggagawa sa simbahan, isang diyakonesa, na magkaroon ng personal devotion sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at pagkakaroon ng pagbubulay sa talatang nangusap sa akin. Sa pamamagitan nito, mas nakilala ko ang kadakilaan at kabutihan ng ating Diyos. At dagdag pa rito, nagkaroon ako ng interest sa pagsusulat. Mahigit isang dekada na ang lumipas ngayong taong 2025, habang ginagawa ko ang personal devotion o ang pagjojournal, nangusap ang Diyos sa akin. Naunawan ko na kahit pa sa pangkaraniwang araw, patuloy Siyang kumikilos at tumatawag sa lahat para maki-isa sa inihanda Niyang gawain para sa lahat. Sa pamamagitan ng “burning bush”, tinawag ng Diyos si Moises para matupad ang pagliligtas Niya sa mga Israelita sa Egipto (Exodos 3:1-10). Ngayon, ang natanggap kung mensahe sa Pan...

MAGLIWANAG

  THEME: SHINE ON: CALLED TO BE THE LIGHT September 26, 2025   SCRIPTURE: Mateo 5:14-16 Magandang Balita Biblia 14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15 Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”   INTRO: Kung mayroong gabi at araw, mayroon ding dilim at ____ liwanag.    Ang teksto natin sa oras na ito ay patungkol sa liwanag. Saan o kanina ba nagmumula ang liwanag, Sino ang liwanag, ano ang kahalagahan ng liwanag at bakit dapat na magliwanag?   I. Ako ang ilaw ng sanlibutan The Sun is the primary source of light in the planet as the SON (Jesus) is the primary source of ligh...

Sa Kanya

Mga Kawikaan 16:3,9 "3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,    at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin." "9 Ang tao ang nagbabalak,  ngunit si Yahweh ang nagpapatupad." Isang paalala! Habang nasa Spiritual Retreat  ako ng mga kababaihan ng simbahan, inalala ko kung ano-ano ang mga pinaghandaan at ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Sinabi ko sa aking sarili, "kahit pala anong paghahanda at pagplaplano na aking gawin hindi ito matutupad kung wala ang kalooban  at gabay ng Diyos." Madalas sa ating buhay ay gusto natin ng "perfect at planado" pero ang totoo laging mayroong mga pagkukulang. Nakakadismaya din kapag hindi natupad yung gusto mong mangyari. Kung dumaan ka man sa ganitong sitwasyon, suriin mo ang iyong sarili dahil baka mali ang motibo mo o di kaya ay nagkulang ka na kumunsulta sa ating Diyos. Baka naman nakakalimot kana na hindi mo kaya ang lahat at tanging ang Diyos lang ang may kontrol ng lahat. Sa kasamaang pal...

Sa Hudyat

Makalipas ang halos tatlong buwan sa aking bagong church appointment – Anda Central United Methodist Church (ACUMC), napakarami na agad akong realizations sa buhay, sa sarili, sa ministry, at sa aking pananampalataya. Sa ikatlong buwan lamang na pinahintulutan ako ng ating Diyos na magsalita kaya iyon ang aking gagawin sa puntong ito. Sa ibaba, makikita ang mga supporting verses kung bakit ngayon ay nagbabahagi ako sa inyo. Lucas 5:14 14  Pinagbilinan  siya ni Jesus, “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa kanya. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao na ikaw nga'y magaling na.” Lucas 8:17 17  Walang  natatago na di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. Lucas 8:39 39  “Umuwi ka na at ipamalita mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.”   Ito ang panahon ng pagbabahagi. Sa unang buwan ng aking new church appointment, ako ay nanibago. Gayun pa man ay pin...